Xander's Point of View
“Anong nangyayari rito?” ang tanong ng isang boses. Kapwa naman kami natigilan at sabay napatingin. Namumukhaan ko rin ang lalakeng ito. Siya ang Presidente ng Student Government ng School of Home Economics. Kaagad namang hinila ni Paige ang kanyang kamay at lumapit sa kanya.
“Fred!” ang pagtawang niya sa taong sumulpot na lang. “Mabuti dumating ka. He’s sexually harrassing me.”
Wow. Just wow. The nerve of this woman. Nagkatinginan naman kami nitong Fred.
“Why would I harrass you?” ang tanong ko naman kay Paige nang ituon ko ang tingin ko sa kanya.
“Yeah, that’s weird,” ang pagsang-ayon naman ni Fred. Napakunot ako ng noo. “You’re gay, right?”
“Ha?” ang reaksyon ko.
“It’s all over the campus,” ang paliwanag niya. Naalala ko nga ang nabasa ko mula sa f*******: page kanina. “Unless that’s a rumour.”
Ano bang dapat kong sabihin? Should I say that Xavier is gay? Well, it’s true but… he’s still my brother. And it will save him from this wretched woman. Kung sasabihin ko namang hindi, magiging advantage naman ito para sa kanya.
“Some of them are,” ang komento naman ng isa pang boses. Si Mikael na kanina pa pala na nasa likuran namin.
“We’re dating,” ang sabi ni Mikael bago tumingin sa akin. Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Paige nang marinig yun. I am laughing inside. Serves you right!
“Ah, ayun naman pala,” ang sabi ni Fred.
“Bakit hindi mo sabihin ang totoo?” ang tanong ko kay Paige. “Na inatake mo ako dahil kay Mikael?”
“Excuse me, hindi ako ganyang tao!” ang galit niyang pagtanggi sa sinabi ko.
“As you say so,” ang simple ko namang tugon bago linapitan si Mikael. “Tara na.”
Hinila ko naman palayo si Mikael. Nang makalayo kami ay tinulak so si Mikael palayo at naglakad ng mabilis. Hindi ko naramdaman na sumunod siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Dumeretso ako sa Cooking club. Natigilan ang lahat nang makita ako. Natigilan din ako at gumala ang tingin ko sa mga mapanuring mukha. Hindi ko na lang sila pinagtuunan pa ng pansin at naupo sa tabi ni Nico.
“Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?” ang tanong naman ni Nico sa akin.
“May inasikaso lang,” ang tugon ko sabay namang pagpasok ni Mikael.
“Siya ba?” ang tanong niya. Nakatingin siya sa direskyon namin. Lumapit naman siya na tila ba may itinatago sa kanyang likod. Nang nasa tapat ko na siya ay pinakita niya ang kung ano mang itinatago niya. Isang maliit na bouquet ng bulaklak at tsokolateng nakalagay sa sisidlan na hugis puso. Napuno ng tilian at bulungan ang club room. Siniko naman ako ni Nico. I feel embarassed. Kinuha ko naman yun mula kay Mikael. Tahimik naman siyang nagtungo sa kanyang upuan. Napatingin ako sa binigay niya. May card na nakalagay. Kinuha ko naman yun at binasa ang laman. “I’m with you. Missing you so much.”
Napatingin ako kay Mikael nang mabasa yun. Nakatingin lang siya sa recipe na binigay ng President. Napaka-lame ng mga ginawa niya. Is that how you define romance? Tsk. He’s hopeless. Itinuon ko ng pansin ang sinsabi ng club President.
Pagkatapos ng meeting ay sabay kaming lumabas ni Nico mula sa club room. Tahimik kaming naglalakad sa pasilyo, hawak ko pa rin ang binigay sa akin ni Mikael kanina lang.
“Xavier!” ang pagtawag ng isang boses. Natigilan kami ni Nico at napalingon ngunit wala namang tao sa paligid. Nagkatinginan kami ni Nico.
“Narinig mo ba yun?” ang tanong ko.
“Oo,” ang tugon naman niya.
“Xavier!” ang muling pagtawag ng isang boses babae.
“Baka si Samantha,” ang komento naman ni Nico. “Pero bakit hindi na lang siya lumapit sa atin?”
Napakibit-balikat naman ako.
“Hawakan mo ‘to,” ang bilin ko sa kanya sabay abot ng mga binigay sa akin ni Mikael. Balak kong ipabigay ito kay Xavier pagkarating namin sa dorm. Naglakad naman ako palayo
“Huy, saan ka pupunta?” ang tanong naman niya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. Nasa bandang malayo na ako at wala pa rin akong nakikita kung sino man ang tumatawag sa akin.
“Kung sino ka man, magpakita ka,” ang utos ko habang naglalakad pa rin. Bigla na lamang nagbukas ang isang pinto nang matapat ako. Kasabay nito ang pagsaboy ng parang pulbo sa akin. It’s god damn flour. Mabilis naman tumakbo ang may gawa nito. Dahil hindi ako kaagad nakagalaw ay nakatakas ang kung sino mang demonyong yun. Pinagpag ko naman ang damit ko, naubo ako nang malanghap ang ilan. Hindi ko napigilang magmura dahil sa matinding galit. Bumalik naman ako kung nasaan si Nico. Daig niya pa ang nanood ng Horror dahil sa ekspresyon sa kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko.
“A-anong nangyari sa’yo?” ang tanong naman niya.
“Same question,” ang naiinis kong tugon. “Let’s go.”
Sinundan naman niya ako. Pinagtitinginan pa rin ako ng ibang estyudante. Ewan ko kung dahil sa itsura ko ngayon o dahil sa love triangle namin nila Xavier at Xander. This is really becoming out of hand. With everything happening, I really don’t give a damn anymore. Nang makarating kami sa dorm ay linagpasan ko ang pangalawang palapag kung nasaan ang kuwarto nila Xavier at Nico. Hindi naman umimik si Nico, bagkus ay sinundan niya ako patungo sa ikalaimang palapag. Kumatok ako sa isa sa mga pinto. Nagbukas naman ang pinto.
“Xander,” ang pagbanggit ni Blue sa pangalan ko.
“I get it already,” ang sabi ko. “You already have your revenge. Now, bring my life back.”
Hindi naman siya nagsalita, bagkus ay itinulak pasara ang pinto. Mabilis ko namang hinarang ang aking paa. Itinulak ko naman yun kaya wala siyang nagawa kundi muli itong buksan.
“Ibalik mo na kami sa dati,” ang sabi ko.
“Yan ba ang tamang tono ng nanghihingi ng pabor?” ang tanong naman niya.
“Ano bang gusto mong gawin ko?” ang tanong ko naman pabalik. “Lumuhod at magpaka-awa ako sa’yo.”
“Gusto kong lumuhod ka at magpaka-awa,” ang pag-uulit naman niya sa sinabi ko. “Bawiin mo rin lahat ng mga sinabi mo.”
“Never,” ang pagtanggi ko naman. “Hindi pa ba sapat na nagulo na ang buhay ko?”
“Wala ka talagang pag-asa,” ang komento niya sabay iling. “Bumalik ka na alang ulit kung kaya mo na akong kumbinsihing ibalik ka sa rati.”
“What else do you want?!” ang pagalit kong tanong. Isinara naman niya ang pinto. Mabilis kong kinatok ang pinto sabay sigaw ng pangalan niya. Hindi niya na nga ako pinagbuksan.
Nagbukas naman ang pinto ng kabilang kuwarto kasunod ng paglabas ng isa sa mga estyudante.
“Pwede bang manahimik kayo?!” ang galit niyang sigaw sa amin. “Nag-aaral ako rito!”
“Sorry,” ang paghingi naman ni Nico ng paumanhin. Bumalik naman ang lalake sa loob kasabay ng malakas niyang pagsara ng pinto. “Xander, tara na. Huminahon ka, mas lalo kayong mapapasama ni Xavier.”
“Isa pa yang kambal kong ‘yan!” ang bwisit kong saad. “Alam niya namang ayoko sa mga bakla. Bakit kailangan niya pang piliing maging salot sa lipunan?”
“Xander, sumosobra na ‘yang pananalita mo,” ang komento naman niya kaya natigilan ako. “Kapatid mo siya pero wala ka pa ring karapatang tawagin siyang salot. Kaibigan ko si Xavier. Mukhang mas kilala ko pa nga siya kaysa sa’yo. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit naging ilang siya sa’yo. Hindi dahil sikat ka o dahil mas gusto ka ng ibang tao. Kundi dahil sa ugali mo.
Walang umaatake sa opinyon mo. Inaatake ka dahil sa pagtrato mo sa ibang tao,” ang dagdag niya pa.
“Hindi niyo ako naiintindihan dahil wala kayo sa lugar ko,” ang argyumento ko naman.
“Pwes, ipa-intindi mo sa amin,” ang tugon niya. “Kapatid ka ni Xavier kaya kaibigan na rin ang turing ko sa’yo.”
Napabuntong-hininga naman ako at umiling.
Wala kong dapat sabihin sa’yo o kung kanino man,” ang matigas kong sinabi bago naglakad palayo, patungo sa kuwarto nila Xavier. Natigilan ako nang may makasalubong sa ikatlong palapag ng dorm. Si Xavier.
[Xavier]
Nagkatinginan kami ni Xander ngunit mas natuon ko ng pansin ang itsura ng katawan ko. Para siyang espasol sa kanyang itsura.
“Xander,” ang pagtawag ko sa kanya. “A-anong nangyari sa’yo?”
“Kasalanan mo ‘to,” ang galit niyang sinabi sa akin. “Tignan mo ang napapala ng pagkabakla mo. Masaya ka na ba? Masaya na ba kayo ni Blue?”
“Hindi ko rin naman ginusto ‘to,” ang paalala ko sa kanya. “Hindi ko gustong maging bakla. Hindi ko gustong magkapalit tayo ng katawan. Hindi ko rin gusto ang mga nangyayari sa atin, Xander. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang magtago at maglihim. Hindi mo alam kung gaano ako katakot.”
Nagsimulang pumatak ang luha ko na kaagad ko namang pinunasan gamit ang likod ng kamay ko. Napa-iling naman siya at nalakad palayo. Hinayaan ko na lang siya. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpakita naman si Nico mula sa hagdanan.
“Saan ka galing?” ang tanong ko.
“Ah, sinamahan ko si Xander,” ang tugon naman niya. “Sinugod niya si Blue.”
“He did what?!” ang gulat kong reaksyon.
“Sinugod niya si Blue,” ang muli niyang sinabi. “At hindi naging maganda ang kanilang naging pag-uusap.”
Napabuntong-hininga naman ako. Ito ang mali kay Xander, madalas siyang magpadala sa galit.
“Sa totoo lang, ngayon ko na lubos naiintidihan ang nararamdaman mo,” ang komento niya. “Pero naniniwala ako na balang-araw, maiintindihan niya rin ang sitwasyon mo.”
Natigilan kami nang sunod-sunod na nag-ingay ang aking smart phone.
“Kanina pa yan,” ang komento ni Nico nang mapansin ang notification ring tone ng messenger ko. “Dami mong ka-chat.”
“Mga babaeng binabash ako,” ang tugon ko naman. “Simula nang ma-publish ang tungkol sa amin nila Xander at Mikael, inulan ako ng mga harsh messages.”
“Tulad ng?” ang tanong naman niya.
“Same as usual,” ang walang gana ko namang tugon. “Kailangan ko na rin sigurong ihanda ang sarili ko.”
“Sa alin?” ang tanong naman niya.
“Sa bagay na pinakakinatatakutan ko,” ang tugon ko. “Ang malaman nila Mommy at Daddy ang totoo.”
“Tara na lang kumain,” ang yaya niya. “Libre kita.”
“Sa susunod na lang, Nico” ang pagtanggi ko naman. Tumango naman bilang pagpayag.
“Kita na lang tayo bukas,” ang paalam niya. “Teka, bago ko makalimutan. Heto, galing kay Mikael. Binigay niya ang mga ito kanina kay Xander.”
Tinigan ko naman ang hawak niyang bungkos ng mga bulaklak at isang hugis pusong kahon. Kinuha ko naman yun bago pinanood si Nico umalis. Nagtungo naman ako sa kuwarto ni Xander. Naupo ako sa kama kasabay ng muling pagtunog ng aking smart phone. Inilapag ko naman ang binigay ni Mikael sabay kuha ko naman ng aking smart phone mula sa aking bulsa. At this point, wala na akong pakialam sa kung ano mang negatibong mababasa ko. It’s just emotionally and mentally draining.
Tulad nga ng kutob ko ay isa na namang message request. Tinignan ko naman yun. Natigilan ako sa aking nabasa.
“Xavier, maraming galit sa’yo dahil sa dalawang rason. Una, nai-inggit sila dahil ikaw ang pinansin ng dalawa sa pinaka-guwapo sa campus,” ang pagsisimula ng mensahe. Dalawang guwapo? Si Mikael lang, sapat na. “Pangalawa, dahil sa s****l orientation. Hindi mo kasalanang ganyan ka. Kapit lang.”
Napangiti ako sa aking nabasa. Kahit paano ay gumaan ang kanina lang ay mabigat kong nararamdaman. Napatingin ako sa mga bulaklak. Kinuha ko naman yun at kaaagad na napansin ang isang card. Kinuha ko naman yun at kaagad nakita ang isang mensahe na isinulat ni Mikael.
I’m with you. Miss you so much.
Mga salitang paulit-ulit kong binasa.
“I miss you, too,” ang bulong ko sa aking sarili. Gusto ko na talaga siyang makita at makasama. Ito lang ang magagawa ko sa ngayon ang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin sa malayo. Napabuntong-hininga naman ako. Isinilid ko naman ang card na yun sa aking wallet. Inalis ko naman ang mga bulaklak sa isang bote na may tubig. Napatitig ako sa tsokolate. Naglakas ako patungo sa balcony at pinanood ang pagbaba ng araw. Sana matapos na ito. Sana maging maayos na ang lahat. Mahigit isang linggo na pala kaming ganito ni Xander. Nasanay naman na ako sa pagiging siya. Paano kung hindi na kami bumalik sa dati?
Huwag naman sana. Lumipas ang dalawang araw, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Xander. Ewan ko ba sa kanya. Hindi pa rin natitigil ang issue sa amin. Patuloy pa rin akong nakakatanggap ng hate messages mula sa ibang estudyante.
“Xavier!” ang pagtawag sa akin ni Trisha nang maupo sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang ipaalam kay Xander na alam niya ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa. “Ang aga-aga, nakasimangot.”
“Hindi lang ako mapalagay,” ang tugon ko naman. “Sa nangyayari.”
“Naniniwala ako na may dapat pang matutunan si Xander,” ang komento naman niya.
“Trisha, alam mo ang dahilan kung bakit galit siya sa mga taong katulad ko?” ang tanong ko naman habang nakatingin sa kanya. Umiling naman siya.
“Wala siyang nababanggit sa akin,” ang tugon naman niya. “Sinubukan ko namang itanong pero madalas ay hindi siya umiimik o iniiba niya ang usapan.”
“Sana man lang alam ko ang dahilan,” ang sabi ko. “Para mas madali para sa akin ang tulungan siyang ibahin ang kanyang pananaw.”
“Nga pala, Xavier,” ang pag-iiba niya ng usapan. “Totoo bang nagkakamabutihan kayo ni Mikael?”
Tumango lang naman ako at ngumiti bago binaling ang tingin ko sa labas ng bintana.