Episode Twenty-four

1812 Words
Xavier’s Point of View               SABADO ng umaga…               Isang hikab aking pinakawalan nang maupo ako sa gilid ng kama. Napatingin naman ako sa desk clock. Mag-aalasais pa lang ng umaga. Napatingin naman ako sa kabilang kama, mahimbing pa ring natutulog si Jace. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking mga paa. Kailangan naming mag-ensayo para sa University Meet sa susunod na linggo. At bilang Team Captain ng Soccer Team si Xander, kailangan kong pangunahan ang soccer practice pagkatapos ng aming mga klase. Sa totoo lang ay nagdagdag pa kami ng isa pang oras para lang makapag-practice. Batid kong iba ang pressure na nararamdaman ng bawat miyembro ng Soccer Team. Dahil nga siguro sa biglaang pagsali ng Montecillo University. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at nagtungo sa banyo upang maghanda sa biyahe namin. Ngayon ang araw kung kalian kailangan naming magtungo sa probinsya ng Aurora upang bisitahin ang taong posibleng makakapagbalik sa amin ni Xander. Nang makapaghanda ay kinuha ko ang travel bag lulan ang ilang damit. Balak naming makitulog sa bahay nila Samantha sa probinsya. Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto upang hindi magising si Jace. Nakahinga ako nang maluwag nang maisara ko ang pinto.              “Sa wakas,” ang komento ng isang boses. Muntikan na akong napasigaw dahil sa gulat. Kaagad naman akong lumingon para tignan kung sino yun.             “Nico!” ang reklamo ko naman. “Ang aga-aga, bakit ka ba nangugulat?”             “Ang tagal mo kasi,” ang tugon niya. “Tara na nga!”             Sabay naman kaming bumaba ng palapag patungo sa lounge ng dormitory.             “Si Xander?” ang tanong ko sa kanya. Kahit si Samantha at Trish ay hindi ko pa rin nakikita sa paligid.             “Kinuha ang van na gagamitin natin mula sa rental agency,” ang tugon naman niya sabay upo sa sofa samantalang ginala ko naman ang aking tingin sa paligid. Natigilan ako nang makita ang bulletin board. Pinuntahan ko naman yun upang basahin ang mga bagong nakapaskil na anunsyo. May listahan na ng mga pangalan ng mga kalahok sa bawat event ng University Meet. Nahanap ko ang pangalan ni Xander sa soccer competition event, ang akin naman ay nasa Dessert Making event, si Mikael, maliban sa Soccer Competition, ay sasali din sa Fruit Carving contest. Mas natuon ang aking pansin sa katabi nitong poster. Nakalagay ang mga mukha at pagkakakilanlan ng mga sumali sa Model Search. Una kong tinignan ang mga sumali mula sa Richmond University. William Chadwick dela Torre, Roxxie San Pedro, at Marco Villanueva; sila ang mga kasali sa Model Search. Lahat sila ay mula sa School of Business. Lahat nga ng kasali ay hindi matatangging magagandang lalake’t babae. Sunod ko namang tinignan ang ibang kasali mula sa ibang University. Natigilan ako nang makita ang mga kasali sa Montecillo University. Napukaw ang aking atensyon ng dalawang mukha, isang nagngangalang Kim Jun Pyo at Eliah Krauzser Gomez.             “Nakaka-nosebleed naman basahin,” ang bulong ko sa aking sarili. Nakuha nila ang atensyon ko dahil kapwa sila mukhang may lahi at mukhang manika ang isa.             “Nasa likuran mo lang ang hinahanap mo,” ang komento ng isang tinig sabay yakap sa akin. Naramdaman ko namang dumampi ang kanyang labi sa batok ko. “I miss you.”             “Mikael, baka makita ka ni Xander,” ang suway ko. Humarap naman ako sa kanya.             “Hindi mo ba ako na-miss?” ang tanong naman niya. Napatingin naman ako sa paligid. Patay-malisya naman si Nico sa aming dalawa. Wala pang ibang tao.             “Na-miss,” ang tugon ko naman sabay ngiti.             “So, pwede kitang halikan?” ang paalam niya.             “Ha?” ang reaksyon ko naman.             “Ha-halikan kita,” ang sabi niya sabay higpit ng yakap sa akin. Muli akong sumilip sa paligid at ibinaling sa kanyang mukha ang aking atensyon nang matapos. Tumango naman ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha ngunit kaagad naman siyang natigilan nang may tumikhim. Naitulak ko naman siya palayo.             “Mikael, you’re such a fox,” ang komento ni Xander sabay lapit sa aming dalawa. Napatingin siya sa akin.              “Ikaw, napakaharot mo. Hindi ba may kasunduan na tayo?”             “X-Xander…”             “Wag mo akong ma-Xander-Xander, Xavier,” ang komento naman niya. “And you, you better take good care of my brother.”             “No need to remind me that,” ang tugon naman ni Mikael.             “I hope so,” ang saad ni Xander sabay duldol ng hawak niyang tinapay sa dibdib ni Mikael bago naupo sa tabi ni Nico. Nagkatinginan naman kami ni Mikael. Kapwa kami napangiti. Hindi naman nagtagal ay dumating sila Trisha at Samantha.             “Sa probinsya lang lakad natin, hindi sa ibang bansa,” ang komento ni Nico nang makita ang sandamakmak na bitbit ng dalawa.             “Hindi moa lam kung anong pwede mong kailanganin,” ang tugon naman ni Samantha sa kanya.             “Let’s go,” ang sabi naman ni Xander bago kinuha ang gamit ni Trisha. Kinuha naman ni Nico ang gamit ni Samantha. Naglakad kami palabas ng dormitory. Pinanood ko sila habang inaayos nila ang mga gamit namin sa likuran ng van. Lahat naman ay natigilan nang makita ang papaalis na University bus. Matatanaw ang ilang estudyanteng nakasakay sa loob.             “Anong meron?” ang tanong ko.             “Ah, sila yung kasali sa Model Search,” ang tugon naman ni Mikael. Pumasok sa aking isipan ang mga mukha ng mga kasali sa kompetisyong yun. “Ang rinig ko pupunta sila sa isang beach resort para sa isang photoshoot.”             Napatango naman ako sa aking nalaman. Mukha ngang magiging mahigpit ang kompetisyon ngayong taon. Nang matapos sila ay sumakay kami sa van. Nakatakang magmaneho si Xander at si Mikael. Kasalukuyang nasa driver’s seat si Mikael. Nasa tabi naman niya ako. Binuksan ko ang body bag ko upang kunin ang travel medicine ko. “            Hala!” ang sigaw ko sa aking isipan nang mapagtantong wala sa bag ko ang travel medicine, bagkus ay naiwan ko ito sa mesa sa kuwarto. Naloko na!             Lumagpas ang ilang oras ngunit wala pa rin akong nararamdamang pagkahilo.             “Mikael,” ang pagtawag naman ni Xander sa kanya. “Please, stop the car for a while.”             Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Kaagad naman akong sumilip sa likod. Napanganga ako nang makita ang kalagayan ni Xander; namumutla siya.             “Mikael!” ang pagtawag ko. “Itabi mo muna ang sasakyan.”             Itinabi nga niya ang sasakyan. Kaagad naman kaming bumaba para alalayan si Xander.             “Okay ka lang?” ang tanong ko pagkababa niya. Na-iling naman siya at kaagad nagtungo sa gilid ng kalsada. Nagsimula naman siyang magsuka. Hinahaplos-haplos naman ni Trisha ang kanyang likod samantalang hawak-hawak ko ang kanyang braso. Hinintay naman naming siyang maging maayos, nang bumalik ang kanyang kulay ay binaling niya ang kanyang tingin sa akin.             “Hanggang ngayon ba naman, hindi pa natatagal ang travel sickness mo?” ang protesta niya sa akin. “How can I drive with this condition?”             “Walang problema,” ang singit naman ni Mikael. “Ako na lang ang magmamaneho.”             “Sandali lang,” ang sabi ko naman sabay kuha sa bag ko. Inabutan ko siya ng mga candy. Habang nasa biyahe, kumain ka niyan. Yan ang ginagawa ko. Subukan mo ring matulog. Napabuntong-hininga naman siya sabay kuha sa candy.             “How can you be so this weak, Xavier?” ang huli niyang reklamo bago muling bumalik sa loob ng sasakyan. Sumunod naman kaming lahat. Pinalakasan ko naman ang aircon para mas maging komportable ang biyahe para kay Xavier. Matapos ng ilang stop-over at ilan pang oras ng biyahe ay nakarating kami sa probinsya ng Aurora.             “Bago tayo dumeretso sa bahay na tutuluyan natin, bumisita muna tayo sa pinakamataas na lugar dito sa Baler,” ang yaya naman ni Samantha na kaagad naming sinang-ayunan. Sa mga oras na ito ay pawala-wala na ang signal. Nang makarating kami sa lugar na tinutukoy ni Samantha, bumaba kaming lahat at napatingin sa paligid. Nagtungo sila Trish at Samantha sa banyo samantalang nag-ikot naman ako. Pumunta ako sa isang shed. Napasinghap ako sa aking nasaksihan; ang asul na karagatan. Tanaw ko mula sa aking kilalagyan ang mga alon. Sinamahan naman ako ni Mikael sa silong ng shed, sabay naming pinagmasdan ang karagatan.             “Salamat,” ang sinabi ko sa hangin. Napatingin naman si Mikael sa akin.             “Para sa akin ba yan?” ang tanong niya. Napangiti naman ako at tumango. Sinalubong ko ang mga mata niya.             “Kasi narito ka,” ang paliwanag ko.             “Kasi narito ka,” ang pag-uulit niya sabay hawak sa aking kamay. Pinisil naman niya yun.             “Mikael, nag-aalala ako,” ang pag-amin ko. “Paano kung hindi na kami bumalik sa dati? Gugustuhin mo pa rin ba ako?”             “Ano bang klaseng tanong yan?” ang tanong niya pabalik. “Of course, I will. Hindi naman yang katawan mo ang nagustuhan ko, it’s your soul. Kahit na napunta ka sa katawan ni Xander, I could still see you.”               Napangiti naman ako sa aking narinig.             “Iiwan lang kita kung nag-iba ka na ng music taste,” ang tukso niya na ikinatawa ko.             “Nope,” ang tugon ko. “Lauv music for life.”             “Ang magjowa nagso-solo,” ang tukso naman ni Nico. Napalingon naman kami. Naroon na sila Trisha, Samantha at Xander. “Baka pwede kaming sumali. Nakakahiya naman sa tanawin, pa-share, ha?”             Kapwa naman kami natawa ni Mikael sa mga pinagsasabi niya.             “Why don’t we all group up and take a picture,” ang yaya naman ni Trisha. Lumapit naman kami sa isa’t-isa. Pinaka-usapan naming ang ilan pang turista sa malapit upang kuhanan kami ng litrato. Pagkatapos pa ng ilang minutong pananaliti dun ay muli kaming sumakay sa van. Patungo na kami sa bahay nila Samantha. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD