Episode Forty-six

1660 Words

Xander’s Point of View               PAGKATAPOS mag-agahan ay dumeretso na nga kami sa mall upang gumala at manood ng pelikula. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng sinehan at namimili ng papanoorin. “Anong gusto niyong panoorin?” ang tanong ko sa kanila.             Nakatingin pa rin naman sila sa mga movie posters. “Gusto ko ng horror,” ang sabi ni Samantha.             “Ha? Nakakatakot,” ang tugon naman ni Trisha.             “Kaya nga panonoorin; para matakot,” ang komento naman ni Samantha.             “Pwede bang ‘yung romance na lang?” ang suhestyon naman Trisha sabay tingin sa akin.             “Ay, nakaka-bitter namang manood ng ganyan,” ang reklamo ni Samantha. “May mag-jowa akong kasama tapos single ako. Nasaan ang hustisya?”             “Bakit hindi ka kasi maghanap?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD