Chapter 16 Akeem’s Pov: Hayst..Ngayon palang gusto nang kumawala ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Nandito kami ngayong dalawa ni kuya Jaycee sa airport. Ngayon kasi ang alis nila mama at papa papuntang Europe para sa pagpapagamot kay mama. Kahapon nga sinabi ng doktor sa amin na may pag-asa pang gumaling si mama eh hindi na kami nag aksaya pa ng oras. Gamit ang pera, madaling nakakuha si papa ng mga papeles para sa pagpunta nila sa Europe. lahat talaga ng bagay sa mundo ay napapadali kung maraming pera. Eto nga, 7 a.m pa lang ng umaga eh nandito na kami. Hinihintay kasi namin dumating sina papa. Alas 8 sila lilipad. Habang naghihintay kami, pinag-uusapan namin ang bilin ni papa. Sa bahay na ngayon titira si kuya para may kasama at kasabay daw akong pumasok. Ok lang naman

