Chapter 25 Akeem’s Pov: Katatapos lang lahat ng aming klase at ito! Uwiaan na! Kasama ko syempre si Mave at ang kambal. Napapansin ko, kanina pa nanlilisik ang mga mata ni Akihito sa akin. Ano naman ang problema nito?! Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa paglabas namin ng building, nakita ko agad ang isang pigura ng lalake. Nakatingin sa akin habang nakangiti. Patuloy lang kami sa paglalakad at sumalobong siya sa amin. Nang masalubong niya kami, agad niya akong tinawag. Alam ko na ang gusto niyang mangyari o iparating! Ang makapag-usap kami. Nagpaalam ako sa kambal at kay Mave. Nang makapagpaalam ako, sabay kaming naglakad ni Kendrick patungo sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Pumasok kaming dalawa sa loob at pinaandar niya ito agad. Hindi ko alam kung saan kami pupunt

