Chapter 12 Kendrick’s Pov: Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagsalita mula sa aking likod. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa akin kinatatayuhan. Hindi ko maiwasan ang magtaka kung bakit napaaga siya ng pagdating. Ang akala ko ba dalawang lingo siyang mawawala? Bakit nandito na siya eh isang lingo pa lang ang nakakaraan! "Kendrick?" Ani niya sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit. Di ko nagawang kumilos dahil sa gulat at sa pag-iisip. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? "Para sa akin ba yan?" Meron pala akong dalang bulaklak na dinaanan ko kaninang bilhin para kay Akeem. "Ah…eh…oo?" Sagot ko na lang sa kanya sabay abot ng bulaklak sa kanya. Alangan naman na sabihin kong hindi para sa kanya ito at para kay Akeem? "Wow! Salamat ha. Paano mo nalaman na ngayon ako dad

