Chapter 32 Akeem’s Pov: Malamig na ang simoy nang hangin na dumadampi sa aking mga balat. Disyembre na kasi at papalapit na ang pasko. Ibig sabihin malapit na ring umuwi sina papa at mama. Kapag nag-uusap kami kasama ang kuya at si Kendrick, halata sa mukha nhp papa ang saya kapag binabalita niyang bumubuti ang lagay ni mama. Nandito ako sa aking kama na nakahiga. Nakatingin sa kisame at nag-iisip. Magtatatlong buwan na pala kami ni Kendrick. Akalain niyo yun?, tumagal kami ng ganito ni Kendrick? Sana magtuloy tuloy na at sana walang maging problema. Habang abala ako sa kakatitig sa kisame, naramdaman kong gumagalaw ang katabi ko. Gumilid ako para matignan ang maamong mukha ng aking pinakakamahal na kasintaan. Hindi ko akalain na ang pinakatatakatakutang tao sa Glennford University ay

