Chapter 14 Kendrick’s Pov: Nandito na kami ngayon ni Jaycee sa quarters. Kaninang umaga nga eh gusto kong sunduin si Akeem sa kanilang bahay pero may pumigil sa akin sa loob ko kaya hindi ko na lang itunuloy. Kahapon ko pa sana gustong makausap si Akeem pero wala akong makitang magandang tyempo kaya ayon, ang ending si Jaycee ang naghatid sa kanya. Ewan ko kung bakit gusto ko siyang makausap. Wala naman akong ginawang masama…yata? Eh hindi naman ako nagtagumpay sa plano ko ah. Hindi ko siya napasapot kaya hindi dapat ako nagkakaganito. "Oh…malanga ka diyan Kendrick!" Pagbalik ni Jaycee sa aking ulirat. "Ah…eh…wala! May iniisip lang ako." Ang sagot ko sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa habang si Jaycee…ayun abala sa pakikipagtext na kung sino na namang lalake diyan.

