Akihito Pov: "Akihito?" Pagtawag sa pangalan ko ng lalakeng kasama ni Mave. Aba ok ha! Kilala niya ako. Tinignan ko naman si Mave pero nakangiti lang siya sa akin na para bang nang-aasar!. "Saan kayo pupunta? At sino tong kasama mo?" Tanong ko kay Mave. "Hindi mo ba talaga siya kilala Aki? Si Charles to!" Sagot ni Mave sa akin. Tsk…si Charles pala. Ang pinaka unang linikha ng Diyos na napagtripan namin noon. Pero sa pagkakakita ng dalawa kong mata, ang laki ng pinagbago niya. Wala na ang makapal salamin sa kanyang mga mata, natanggal na ang braces niya sa kanyang mga ngipin, maayos na ang kanyang pananamit hindi gaya ng dati na badoy siya. Mas gumanda na rin ang katawan niya na halatang babad sa gym. Sa madaling salita, ibang iba na si Charles ngayon. "Oy! Kamusta na bro!? Aba! Ang

