Napakunot ang noo niya habang papalapit siya kina Juan at Luis, parang may pinagtatalunan ang dalawa. "Huwag mo akong sagarin, Luis!" palatak ni Juan. "Wala pa nga akong ginagawa." Nakakalokong sagot ni Luis. Nagtagis ang bagang ni Juan at akma itong susugurin pero natigilan lang dahil napansin ang presensya niya. "Ano ang pinagtatalunan ninyo?" tanong niya, pinaglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Wala kaming pinagtatalunan, babe." Malambing ang boses na sabi ni Luis saka inakbayan siya. Mas lalong umigting ang panga ni Juan sa ginawa nito. Siniko niya ito ng palihim pero kinindatan lang siya. "Mamamasyal muna kami, Juan. Huwag kang mag-alala hindi ko pababayaan si Venus." Ani ni Luis saka hinila na siya palayo kay Juan. "Ano na naman ang ginawa mo kay Juan? Talaga bang magkaibi

