Naiinis na inayos ni Venus ang higaan niya sa loob ng tent, isang manipis na folded foam at kumot, pati unan ay kompleto na, malaki ang tent kaya kasya ang dalawang tao, sa tabi niya naman si Bebe. Hindi pa nakalatag ang higaan nito, gusto niya sanang ilatag pero naiinis pa siya rito. Gusto niya pa ngang manatili sa labas pero pinipilit na siya patulugin. Gusto lang yata nitong ma-solo si Juan. "Bahala sila!" asik niya sa sarili. May rechargeable naman na maliit na ilaw sa loob ng tent kaya maliwanag. Naiinitan siya sa loob kaya hinubad niya ang suot na jacket, gusto niya rin sanang hubarin ang suot na maxi dress pero baka magulantang si Bebe, she maybe a flirt–pero alam niyang inosente pa ito dahil minsan ay hindi ito nakakasabay sa sinasabi niyang kalokohan. Katulad na lang sa mani niy

