Chapter 8 ILANG araw nang malakas ang bagsak ng niyebe mula sa kalangitan. Hindi parin masanay si Dorothy sa lamig ng klima. Kaya naman ngayon ay sinisipon na naman siya. “Here.” Nagulat siya nang suotan siya ni Paulo ng isa pang scarf. “Paano ka?” tanong niya habang naglalakad sila pauwi sa kanyang tinutuluyan. “Okay lang ako,” nakangiting sagot nito sa kanya kahit na ba mapula na rin ang ilong at mga pisngi ng binata. “Kumusta pala ang laro n’yo?” pag-iiba niya ng usapan. “Nagbakasyon muna `ko, hindi naman ako kasama sa line-up ngayon, eh,” sagot nito at sa iba ipinaling ang tingin. Napakunot naman ang kanyang noo dahil alam niyang hindi basta maaring umalis ng bansa ang isang manlalaro lalo na at may kontrata ito. “At bakit naman ang haba yata ng bakasyon mo, Pau?” Hindi na niya

