Chapter 6 WALANG gana sa practice si Greg at naiinis siya kapag nakikita niya ang teammate na si Paulo. Isang linggo na halos nang makita niya ito sa bahay ng kasintahan at hindi pa rin siya kinakausap ni Dorothy. Hindi pa rin niya nakukumpronta si Paulo dahil ayaw niyang maakusahan ng tamang hinala. Malakas na ibinato niya ang bola dito nang hindi na niya makayanan ang inis. Nagulat ang iba pang manlalaro dahil sa kanyang ginawa. “What the hell, dude?” malakas na sigaw pa ni Pau. “Your’re asking me, asshole? Umaaligid ka sa girlfriend ko!” Akmang susugurin na niya si Paulo nang mabilis siyang harangan ni Gabriel. “Man, calm down!” “Paano `ko kakalma? Ahas `yan, eh. Hindi lang kami nag-uusap ni Dorothy, bigla nang umeeksena.” Natahimik ang lahat ng nasa court. Maging ang kanilang coa

