Chapter 4
Hambog
“Bakla, Ayos ka lang ba?” Tinapik ni Sharon ang balikat ng kaibigang si Jhana.
“Hah? Ayos lang Sha.” Kahit ang totoo ay lutang parin si Jhana.
Kakatawag lang kase ng kanyang kapatid sa ama. Ang Kuya niyang si Janus Cojuangco.
Ayon kay Janus, pinapasundo na siya nang kanilang Ama. Matagalnaman na siyang inaalok nito na tumira sa bahay nila sa tarlac pero napakataas ng pride ni Jhana. Naisip niyang bakit ngayon lang nag-aalok ng tulong ang kanyang ama kung kailan isang taon nalang matatapos na siya ng pag-aaral.
Walang kwenta. Pareho lang kayo ni Mama na iniwan akong mag-isa.
“Alam mo Jha, naiinis na talaga ko dyan sa Carmiel Ayala na yan eh. Kada commercial nga ng Mestiza Soap nililipat ko yung TV. Paano ba naman mamatay yung issue kung panay ang emote niya sa tweeter.” Ipinaliwanag kase niya sa kaibigan ang totoong nangyari noon kaya alam niyang maiintindihan siya nito.
“Ang sabi naman nung Gabriel siya na ang bahala.” Sabi nalang niya. Pilit na niyang binabaliwala ang issue dahil alam niyang katagalan ay matatapos rin yun. Alam mo naman ang mga tao kapag may bagong lalabas na balita yun na ang sikat matatabunan na yung sakanya.
“Naku, nabasa ko sa page ng Tigers wala na daw relasyon yung dalawa. Nagsawa na yata si Buenafe sa kaartehan ni Carmiel.” Minasdan niya ang kaibigang nakahiga sa kama at kinukutingting ang cellphone.
“Wala akong pakialam sakanila. Ang iniisip ko yung sinabi ni Kuya Janus kanina.” Inihiga na rin niya sa kama ang katawan at binitiwan ang librong kanina niya pa binabasa pero halos hindi naman maabsorb ng utak niya ang laman.
“At ano naman ang sinabi ng hot mong kuya?” Nakangiting tanong ni Sharon sakanya.
“Umayos ka nga Sharon.” Sita niya sa kaibigan.
“Okay sige, sige seryoso na. Ano yun?” Umayos naman ito ng higa at tinignan siya.
“Si Jamilla daw kase nabasa yung about sa kinasangkutan ko kasama si Gabriel at Carmiel tapos naghisterya, sinabi sa mga kaibigan niya then nakarating sa mga kakilala ng asawa ni Daddy. So bilang alam nila na anak ako sa labas ni Daddy, sinabi nila kay Daddy na akala mo mga concern. Kumalat ngayon sa mga kaalyado ni Daddy. Nakakasira daw ng image kase panay nalang puro masasamang balita ang dala namin ng Mama ko, napagdesisyonan daw ni Dad na baka by next month kunin na niya ko dito after nitong sem. Ayaw ko Sha. Nakakaaway ko lang lagi yung bunso niya.” Ikwinento pa niya sa kaibigan ang mga ibang sinabi ng kanyang Kuya.
“Tama na yang emote. Sama ka nalang sakin uli mamaya. May free ticket ako ng laro kasama yung Tigers.” Napangiwi na lang siya.
“Sharon, alam mo namang umiiwas ako sa gulo diba? Ayaw ko manood, Ayain mo yung boyfriend mong hilaw.” At dinampot na niyang muli ang libro.
“Jhajha, wala naman kaming relasyon ni Carlo eh. Samahan mo na ko.” Nagpaawa pa ang kaibigan saknya.
Kadalasan kase ay nakakakuha ito ng libreng ticket sa pinagtatrabahuhang call center company.
“Buenafe ayusin mo ang laro mo ngayon, ilang araw ko nang napapansin sa practise yung pagiging wala mong gana.” Pangaral ng coach ng Tigers kay Gabriel na nagpupunas ng pawis.
“Opo coach.” Sabi nalang niya.
Tinapik siya ng mga kasamahan bago nagsibalikan sa court upang ipagpatuloy ang pag-eensayo.
Oo, ilang araw na siyang malungkot dahil tuluyan na silang naghiwalay ni Carmiel. At ang huli niyang balita mayroon na itong bagong manliligaw. Isang artista sa sikat na teleserye.
Mag dadalawang taon ring tumagal ang relasyon nila ni Carmiel kaya lubos ang kanyang panghihinayang. Si Gabriel kase yung tipo ng lalaking kahit na may pagka Playboy ay talagang binabalik-balikan ang babaeng kanyang binigyan ng commitment. Ayaw niyang gumaya sakaniyang ama na matapos ipanganak ang kaniyang bunsong kapatid ay iniwan na sila. Paliwanag noon ng kaniyang ina, ang relasyon ng mga ito ay on and off. Madalas nga siyang pagalitan ng mommy niya kapag nakikitang kung sino-sinu ang kasama niyang babae, Huwag daw niyang idolohin ang ama niyang noon ay labis na sinaktan ang kaniyang ina. Kaya naman ng maging sila na ni Carmiel ay pilit siyang nagpapakatino dahil iniisip niya ang ina at ang kapatid na babae.
Nagkaroon ng dinner ang buong Philippine Team nung nakaraang gabi kasama ang ilang kilalang politician na handang suportahan ang kanilang pakikilahok sa darating na tournament.
Nagulat na lang siya ng tinabihan siya ng isang lalaking tinawag na councillor nung mga kateamate niya.
Flashback
Nasa loob sila ng Shangri-la at nagkakasiyahan kasama ng mga kilalang personalidad. Kasama din ng ilang Teamate niya ang kani-kanilang pamilya. Nalalapit na kase ang patimpalak na gaganapin sa China. Nakapasok ang pilipinas. At isa rin si Gabriel sa napiling manlalaro.
Kumukuha nang pagkain si Gabriel sa Buffet Table ng bigla siyang tabihan ng lalaking may kataasan rin.
“Gabriel Buenafe right?” Tanong nito saknya.
“Yes Sir?” Alanganing sagot niya rito.
Tinignan niya ang tinitignan ng lalaki.
At nakita niyang nakatingin rin sa gawi nila si Mayor Martin Cojuangco ng tarlac.
“May i asked you some personal question?” Napakunot ang noo ni Gabriel sa narinig.
Hindi kaya reporter to?
“Depende sa tanong.” Kaswal na sabi niya at pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain.
“Do you have a relationship with my sister?” Doon na siya nagkaroon ng interes sa lalaking katabi.
“Hah?” Takang tanong niya.
“May relasyon ba kayo ng kapatid ko?” Ulit pa nito.
“Wait. Sino bang kapatid mo?” Takang-taka na si Gabriel dahil ang huling kafling niya ay alam niyang nag-iisang anak lang. At lalong kilala niya ang buong pamilya ni Carmiel.
“May relasyon ba kayo ni Jhana?” This time seryoso na ang mukha ng lalaking kaharap.
Sasagutin niya sana uli ng isa pang tanong, ang tanong ng lalaki ngunit tinawag na ito ng kung sino.
“Councillor Cojuangco, or should i call you Mayor?” Kinamayan pa ito ng isang lalaking nakabarong.
Nangunot ang noo ni Gabriel Pilit inaalala kung sino ang nakilala niyang Cojuangco.
Sh*t! That girl, yung batang nagtantrums sa mall. So kapatid niya to? Bakit nagtatrabaho siya sa resto? E galing naman pala siya sa mayamang angkan. Ang gulo ah.
Natapos ang pag-iisip ni Gabriel nang pumasok sa pintuan ng bulwagan si Carmiel kasama ang hindi umanoy bagong manliligaw nito. Nakaabrisiyete pa ang dalaga sa lalaki na ikinangitngit ni Gab.
Ano ngayon kung kasama niya ang bago niyang boyfriend? Tapos na kami. Siya nagdesisyon niyan at hindi ako.
End Of Flashback
“Sige tapos nang warm-up ready na kayo team.” Sigaw muli ng kanilang coach.
“Team galingan ninyo ah.” Sabi naman ng Manager.
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga manlalaro at tinungo ang court kung saan maglalaro sila ngayong gabi.
Nagpakitang gilas ang iba pang player, panay ang shoot ng bola at patalon-talon pa.
Tahimik na nanonood naman si Jhana sa reaction ng katabing si Sharon. Panay nanaman ang tili nito nang Makita ang crush na isa ring basketbolista.
“Bakit kaya kahit nag-asawa na si Nathan ang yummy parin?” Kumento ni Sharon habang kinikilig.
“Baliw.” Sabi nalang ni Jhana sa kaibigan.
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ni Jhana nang Makita si Gabriel. Hindi niya alam kung bakit.
Nakasuot lang naman ito ng isang puting Jersey. Normal na uniform ng isang basketbolista pero sa paningin ni Jhana gwapo ang binata.
“Shemay. ang laki ng katawan ni Gabriel ngayon. Ang Yummy rin.” Sabi pa ni Sharon tska siya tinignan ng nakakaloko.
“Naku. hambog naman yan.” Sabi nalang niya, para pagtakpan ang mumunting kilig na naramdaman ng tumingin ito sa gawi nila.