Chapter 12 “NAKA-MOVE on na talaga siya sa `min,” malungkot na sabi ni Greg sa kaibigang si Ella. “I told you dati pa, `di ba? Ikaw lang naman ang ayaw bumitiw sa kanya, Greggy.” Umupo pa ito sa tabi niya. Muling inabot ni Greg ang kanyang cellphone kung saan screen ang mukha ng dating kasintahan. “Pero mahal ko siya.” Muli niyang ininom ang natitirang laman ng bote. “Alam mo, lasing na lasing ka na. Tigilan mo na `to. Sinisira mo ang buhay mo. My gosh, Greggy, you have to move on!” Inagaw ni Ella ang bote. “Akala niya kasi hindi siya importante sa `kin, Ella. Hindi niya alam na sobrang mahalaga siya. Hindi lang naman siya ang nasaktan, ah. Ako rin. Sumuko siya sa `min. Iniwan niya `ko. `Di ba dapat ang lahat ng pinagdadaanan n’yo, dalawa kayong haharap? Pero siya, minabuti niyang

