10

1163 Words
HARVY could feel that Katrina was quickly drifting away from him, and he couldn’t do anything about it. Pakiramdam niya, kung lalo niyang ilalapit ang kanyang sarili rito ay lalo niya itong masasaktan. At ayaw na niya itong saktan.       Nang huli niya itong bisitahin sa bahay ng mga ito ay nakita niya sa mga mata nito kung gaano niya ito nasaktan. That rendered him speechless. He had been determined to explain that night. Determinado siyang ipaintindi rito ang lahat at ayusin ang kanilang relasyon. Ayaw niya itong tuluyang mawala sa kanya.       But his heart ached when he saw how hurt she was. The betrayal must have hit her so bad.       Naisip niyang bigyan muna ito ng kaunting panahon. Baka kailangan muna nito ng kaunting espasyo mula sa kanya.       Hindi lamang siya makahanap ng tamang tiyempo upang masabi rito ang totoong nangyari. Habang tumatagal ay lalo itong lumalayo sa kanya. Siya naman ay tila nawawalan na ng pag-asang babalik pa sila sa dati.       Mukhang maayos na ito. She now smiled more often. At hindi iyon peke para lang pamukhaan sila ni Laureen. It was a genuinely happy smile.       Siguro ay hindi na nito dinadamdam ang nangyari. That got him thinking. Was she over him already? Then he realized she had never once told him that she was in love with him. Kay dali siya nitong ipinamigay sa best friend nito.       Wala ba itong nadarama para sa kanya? Hindi ba kasinlalim ng nadarama niya para dito ang damdamin nito sa kanya? Kaya ba mukhang okay na ito?       Ramdam na ramdam niyang wala na itong pakialam sa kanya, as if he did not exist. Tuwing hindi siya pinapansin nito, nasasaktan siya nang husto.       Mali yata ang desisyon niyang bigyan ito ng kaunting espasyo. Dapat simula pa lang ay nagpaliwanag na siya at iginiit dito na ito ang mahal niya at hindi si Laureen.       Aminado siyang noong umpisa naman talaga ay si Laureen ang gusto niya. Pero nang makilala niya nang husto si Katrina ay nahulog siya nang tuluyan dito. He fell so hard and so deep. Sa katunayan, hindi na sumasagi sa isip niya si Laureen tuwing kasama niya ito.       Masaya siya kapag kasama ito. He felt so alive whenever she was near. He felt like he was the happiest and the luckiest man in the whole world whenever she was in his arms. The days he spent with her were the most glorious days of his life.       He loved her so much.       Ang nakita nito sa locker room ay isang malaking misunderstanding. Nang araw na iyon, nagpaalam siya sa coach niya na maagang aalis ng practice nila. Na-miss niya nang husto si Katrina at nais niyang lumabas sila. He wanted to be with her the whole day.       Paglabas niya ng shower ay nagulat na lang siya nang makita niyang nasa loob ng locker room si Laureen.       “What are you doing here? You’re not allowed in here,” aniya na may pagkailang sa tinig.       Madalas niyang isipin kung bakit ito ang nagustuhan niya noong una. She was boring. Matalino at maganda ito ngunit hanggang doon na lamang iyon. Hindi niya makita ang substance sa pagkatao nito. Tahimik lamang ito tuwing nakakasama niya ito. Minsan ay hindi niya gusto ang tingin nito kay Katrina. Tila may nasisilip siyang inggit sa mga mata nito.                Pilit na inignora na lamang niya ang mga obserbasyon niya. Wala itong ipinapakitang masama sa kanya at kahit ano ang mangyari ay best friend pa rin ito ni Katrina. Mas kilala nito ang babae kaysa sa kanya.       Napaatras siya nang lumapit ito sa kanya. Nasukol siya sa locker niya. May bumundol na kaba sa dibdib niya nang makita niya ang ekspresyon sa mukha nito. She looked smug.       “Game over na, Harvy. Alam ko na ang totoo. Sinabi na sa `kin ni Caleb ang totoo. Dump Katrina and be my boyfriend.”       Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang narinig mula rito. Katrina was her best friend. Paano nito nasasabi ang mga bagay na iyon?       “You’re mistaken, Laureen. I don’t like you anymore. Na-realize kong hindi ganoon kalalim ang nadarama ko para sa `yo.” Hindi niya nais maging ungentleman ngunit wala siyang pagpipilian. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa best friend nito.       Nagpapasalamat siyang hindi na lumago ang kaunting paghanga niya rito. She was just a pretty face. Wala na ngang substance ang pagkatao nito, may itinatago pa pala itong masamang ugali. Sisiguruhin niyang malalayo rito si Katrina. Hindi nito maaaring maging kaibigan ang katulad nito.       “Sinungaling. Tingnan nga natin kung hindi mo ako gusto.” Sa pagkagulat niya, bigla na lamang nitong inilapat ang mga labi nito sa mga labi niya!       Bago pa man niya ito maitulak ay may narinig siyang ingay ng tila may nahulog na bagay. He was horrified to see Katrina standing a few feet away from them.       He wanted to explain to Katrina but she was too hurt that time. Alam niyang hindi rin ito makikinig sa kanya. She was blinded by the pain of betrayal. Nasaktan din siya nang itulak siya nito at ipamigay kay Laureen. Naiintindihan niyang nasaktan ito sa nakita nito ngunit tama bang basta na lang siya nito itulak patungo sa iba na tila wala siyang kuwentang bagay?       Kahit nais niyang magalit nang husto kay Laureen ay hindi niya magawa dahil abala ang isip niya sa pag-iisip ng paraan kung paano makakapagpaliwanag kay Katrina. Iniisip niya kung paniniwalaan siya nito. Alam niyang hindi siya tutulungan ni Laureen.       Hindi niya pinapansin si Laureen. Kahit ipinagkalat nitong may gusto siya rito ay hindi niya ito pinapansin. Ayaw niyang pag-aksayahan ng panahon ang ilusyon nito. Tila hindi rin naman ito pinapansin ng lahat sa sinabi nito. Tila walang naniniwala na ito ang talagang gusto niya. Everyone saw how he adored and loved Katrina.       Hindi tuloy niya maiwasang sumama ang loob dahil madaling naniwala si Katrina na mas gusto niya si Laureen. Hindi ba nito naramdaman ang pagmamahal na ibinigay niya rito? Wala ba itong tiwala sa sarili nito?       Nakakainis ding malaman na inakala nitong hindi sila pormal na magkasintahan. Siguro ay kasalanan niya iyon dahil hindi siya nagsabi ng kahit na ano upang maging opisyal ang kanilang relasyon. He presumed that actions speak louder than words. Hindi kasi ganoon ang nakasanayan niya sa pakikipagrelasyon. Sa mga naging girlfriend niya sa Amerika, wala nang nagaganap na ganoong usapan. Dapat pala ay ginawa niyang opisyal ang lahat upang hindi ito madaling nakakawala sa kanya.       He felt so helpless while looking at her from a distance inside the library. She was smiling while reading a romance novel. He wanted to approach her but he was scared of the possibility of beng rejected. Natatakot din siyang baka masaktan pa niya ito.       Magkakalakas pa kaya siya ng loob upang masabi rito ang totoong nangyari? Makakalapit pa kaya siya rito? Babalik pa ba sila sa dati? Would he be happy again with her? Masasabi pa kaya niyang mahal na mahal niya ito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD