"I'm sorry Mrs. Dela Cruz," iyon lamang ang kanyang nasabi at siya ay tumalikod na para umalis. "Fajardo, ganyan naba katigas ang puso mo? Bata iyon Fajardo, katulad ng anak mo—nangangailangan din ng tulong mo. Kahit sa batang iyon man lang magawa mo ang hindi mo nagawa sa anak mo." Napatigil siya sa paglalakad, nakatalikod parin siya habang patuloy na nakikiusap si Colonel Rivas sa kanya. "Huling misyon Fajardo bago mo lisanin ang serbisyo. Ito na lang ang hinihingi ko sa'yo; tulungan mo kami." Mariin siyang pumikit. Nanatili siyang nakatalikod at nag-iisip ng malalim. "Sarhento, nagmamakaawa po kami ng asawa ko sa'yo." Akmang maglalakad na siyang muli ng habulin siya ni Mrs. Dela Cruz. Mula sa kanyang likuran ramdam niya ang pagkakahawak ng Ginang sa kanyang braso. "Hindi ko kayang

