Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone, ganoon parin wala paring signal. Dumaan pa ang ilang oras, alas nuwebe na pala ng gabi ngunt hindi parin tumitila ang malakas na pagbuhos ng ulan. "Ito ang napapala mo dahil sa katigasan ng ulo mo Akira!" Galit na turan niya sa kanyang sarili. Sa mga sandaling iyon wala siyang ibang pinanghahawakan kundi ang may dumaan at makakita sana sa kanya. Halos iuntog na niya ang kanyang ulo sa manibela dahil sa kanyang nagawa. Hanggang sa dumaan pa ang ilang sandali—pag-angat niya ng kanyang mukha tila may napansin siyang ilaw ng sasakyan na paparating sa kinaroroonan niya, galing iyon sa bandang likuran niya. "God! Thank you," nabuhayan siya ng loob dahil sa wakas dininig ng Diyos ang panalangin niya. May mahihingan na siya ng tulong. Hindi nga siy

