Kumalat sa buong DC ang balitang random visit ni Sir Leandro sa iba-ibang departments. Lahat maliban sa kanila. Ang mga kasamahan niya, nagtataka kung bakit may exclusion. Lahat ay nagtataka maliban sa kanya. Siya ang iniiwasan nito. Maging sa procurement department kung saan siya naghatid ng monthly supply requests, naririnig niya pa rin ang usap-usapan tungkol sa pagbabalik ni Sir Leandro. Buong akala niya ay magtatagal siya sa HR pero mabilis lang ding natapos. “Sino kaya ang tatay?” Malayang nasagap ng tainga niya ang usapan sa loob ng HR pagbalik niya. Marahil, ‘di inaasahan ng mga kasamahan na babalik siya kaagad. Siguro din, kumpiyansa ang mga ito na hindi niya maririnig. Kanya-kanyang talikod kaagad ang mga ito pagkakita sa kanya. Si Anette na siyang naiwan sa kumpulan ay apol

