“Ming, kain na tayo. Nagluto ako ng masarap.” Lumagpas lang sa pandinig ni Romina ang paanyaya ng tiyahin. Tila sumama sa may kalakasang hangin ang mga salita nito. Walang pagbabago sa ayos niya. Nakaupo habang nakatanaw sa labas ng bintana habang malayang isinayaw-sayaw ng hangin ang buhok niya. Natanggal na pala ang pang-ipit ng buhok na ginamit pero kahit ‘yon ay hindi niya binigyang pansin. “Ming…” Napilitan siyang lingunin si Tita Roda. “Dawa. Baka you like.” Pilit na nagpapatawa ang tita niya na hindi naman tumalab sa kanya. Hindi niya makuhang ma-excite kahit ang sarap-sarap ng pagkaka-describe ni Tita Roda sa pagkain. Lahat na yata ng gana at excitement, naiwan niya sa Manila. “Kakain ako mamaya, Tita.” Ayaw niya namang huwag pansinin ang mga niluto ni Tita Roda para sa kany

