TINAAS ni Anne ang kaliwang kamay para matakpan ang mata niya mula sa nakakasilaw na sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana. Mayamaya ay napatingin siya sa dalawang singsing na nakasuot sa kanyang ring finger. She smiled. It’s her engagement and wedding ring. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kasal na sila ni Himig. Parang kailan lang, nabubuhay siya sa dilim. But he came and brought the light to her life. Napalingon siya at napangiti matapos pumwesto sa likod niya si Himig. Naroon sila ngayon sa isang jacuzzi. Sa loob ng bahay ng mga Santillan doon sa Grindelwald, Switzerland, ang maliit na village kung saan matatagpuan sa paanan ng isang bundok. Sa kanan niya ay ang glass wall kaya naman kitang-kita nila mula sa loob ang magand
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


