"Nay," mabilis na tumakbo si Cleo ng marinig ang boses ng anak ng magising na itong muli. Nagising na ito kanina at nakatulog na lang ito sa pag-iyak habang nakatingin kay Yumi. Nagtataka pa s'ya kung bakit ito hingi ng hingi ng sorry kinailangan pa n'ya tumawag ng doctor para humingi ng tulong para mapakalma si Cloud dahil bumibilis ang t***k ng puso nito na kahit si Gloria at nag tataka sa naging reaction ni Cloud. "Anak." "Asan po si Yumi." "Teka lang Cloud, wag ka munang bumangon please. Nasa laboratory lang si Yumi babalik din s'ya rito anak." "Ayoko Nay, gusto kong makita si Yumi. Yumi Jean. Bakekang." tawag pa rin ni Cloud na nag pipilit na bumaba ng kama sakto naman bumukas ang pinto at pumasok ang mga kaibigan ng anak na sila Trigger at Jigger na mabilis na nilapitan ang kai

