"Hindi puwede to! Hindi puwede to!" galit na galit na sigaw ni Camille habang nag wawala at pinag babatuhan ang maraming pregnancy test na ginamit na pura negative ang lumabas sa result. Galing na s'ya sa hospital para mag pa check-up pero sinabi ng doctor na wala daw fetus sa loob ng tiyan n'ya instead may maliit na tumor na nakita ang mga ito sa uterus n'ya na kailangan daw alisin dahil posible iyon maging cancerous. Hindi s'ya na niwala na isip n'ya na baka mali ang mga ito na baka iyon na ang baby nila ni Cloud at inisip lang ng mga ito na baka tumor ang baby nila ni Cloud. Kaya naman bumili s'ya ng maraming pregnancy test para tingnan kung tama ba ang ultrasound ngunit lahat ay pawang negative ang naging result ng PT. Wala fetus na nabuo sa sinapupunan n'ya. Masama ang tingin ang pin

