KRISSTINE AND BLITZEN'S love affair bloomed faster than a scandal. Matapos nilang magkaaminan ay lumevel up agad ang relasyon nilang dalawa. From enemies to lovers. Minsan ay napapaisip pa rin siya kung tama ba ang proseso ng kanilang pag-iibigan. They'd skipped friendship—bagay na alam niyang napakahalaga sa isang relasyon. Makakaya ba niyang magtagal kung nagsimula sila sa hindi magandang pagkakataon? She was used to hating Blitzen. Paano nila nagawang maramdamang mahal na mahal na nila ang isa't isa kung gayong wala naman silang ginawa kundi ang mag-asaran at mag-away sa loob ng maikling panahong nagkasama sila? Sa tuwing sumasagi sa isip niya iyon ay napapahanga siya. In deed, love moves in mysterious ways. Dinaig pa nito ang hypertension at sakit sa puso, umaatake na lang ito bigla

