GRADUATION promo, summer promo at ang one thousand pieces of assorted cupcakes na order ni Mister Shin. Sa trabaho binuhos ni Mari ang panahon at atensiyon, sinadya niyang pagurin ang sarili kaysa maisip si Nathan. Pero aaminin niya na sa kabila ng pagpapakapagod sa trabaho. Sa gabi pag-uwi ng bahay, she felt empty. Everything wasn’t the same again. Wala na ang maamong mukha ng binata na sumasalubong sa kanya at agad na bibigyan siya ng magandang ngiti. Wala na ang masayang tawanan ni Nathan at Della na dati ay naririnig na niya kahit nasa labas pa lang siya. Pero ang pinaka-apektado ay ang anak niya, naging malungkutin ulit si Della simula ng umalis doon si Nathan, dalawang linggo na ang nakakalipas. Mari missed him so much. Sa tuwing papasok siya ng kuwarto at bubun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


