Maaga palang gumayak na kami ni Nacy para umalis papuntang Manila. Binilin ko narin ang anak ko kay Nanay. Kagabi pa lang nagpaalam na ako sa anak ko. Gusto niyang sumama, pero tumanggi ako. Malawak ang Manila natatakot ako baka mapaano ang anak ko. Kaya nagpromise nalang ako sa kanya na uuwian ko siya ng pasalubong. Nageroplano kami ni Nacy para mas mabilis ang byahe. Hindi ko narin tinawagan ang kapatid ko, baka maistorbo ko lang siya sa pagaaral niya. Tulad ni Nacy graduating narin siya kaya sure ako na busy siya. Pagkalabas namin sa airport, nagkahiwalay kami ni Nacy, uuuwi siya sa kanila ako naman sa jewelry shop ko tutuloy. "Bye ate Mira kita tayo bukas bago ka umuwi huh?" She said, bago sumakay sa kotsing sumundo sa kan'ya. Lumapit ako sa kanya. "Okay, see you tomorrow. Mang B

