ZAHNY AMIRA. "S**t anong oras na?" Tanong ko sa sarili ng magising ako. Tumingin ako sa wall clock, pasado 10:30pm na nang gabi. Babangon na sana ako ng may maramdaman akong kamay na gumalaw sa tiyan ko. Binalingan ko iyon at nakita ang lalaking katalik ko kanina na mahimbing ang pagkakatulog. Nakaawang pa ng bahagya ang labi niya. Ngumiti ako habang pinagmamasdan siya. "Napaka gawpo niya talaga kahit na natutulog," aniko sa isipan. Maingat kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin. Bumababa ako sa kama upang hanapin ang gamit ko. Pero napangiwi ng maramdaman kong muli ang sakit ng p********e ko. "Kainis ang sakit," turan ko dahil sa sakit nang nararamdaman, pero kahit na nasasaktan pinilit kong kumilos at hanapin ang mga gamit ko. Lumakad ako pa labas ng kwarto niya

