CHAPTER 1 Picturial

5000 Words
Zahny Amira Malayo pa lamang nakikita ko na ang bruha kong kaibigan na kumakaway at sinisigaw ang pangalan ko. Nauna kasi itong pumasok sa school dahil dumaan pa ako sa pinag rentahan ko ng toga "Zahnyyyyyyyy dito," aniya. Napa irap ako sa kabaliwan niya akala mo naman di kami laging nagkikita, kung umasta ba naman parang isang taon o apat na hindi kami nagkita. "Ano ba ang ingay mo nakakahiya sa ibang dumadaan," saway ko. Ang bruha humagikgik pa akala mo may kiti-kiti sa puwet. "Ano ka ba bessy parang hindi ka sanay sa akin, parang hindi mo ako tunay na kaibigan," saad pa niya habang ngumunguso na akala mo bata na nagpapacute. Napa iling na lang ako sa kadramahan niya, luka-luka kasi. Bago pa ma'n siya magsalita inunahan ko na siyang pumasok sa loob ng university. "Ewan ko sayo bruha ang drama mo kakapanoood mo yan ng k-drama tskkkk," reklamo ko. "Ito naman di mabiro joke lang bessy, by the way grabe bessy muntik na kitang hindi nakilala. Ang ganda mo I-mean mas gumanda ka pa dahil sa make up mo garbe," bulalas niya. Hindi na natapos ang pag-iling ko dahil sa sinabi ng bolira kong bestfriend. Nag-apply lang naman ako ng kaunting make up para magka buhay ang mukha ko sa camera. Panay parin ang dada niya kung ano-anu, hindi ko na lang pinatulan. About sa ayos ko naman, wala naman talaga sa akin ang mag-aayos nagkataon lang dahil picturial namin ngayon. "Bessy ang ingay-ingay mo kanina ka pa," saway ko. "Paanong hindi ako mag aayos e, picturial natin to no! Ayaw ko namang pumangit sa picture ko. Hello! remember, remembrance natin ito patunay na gagraduate na tayo ng college," dagdag ko pa "Ayyy oo nga pala, ahmm bessy labas tayo mamaya," ungot pa niya habang ang kamay niya ay nakalingkis sa braso ko. "At saan naman tayo pupunta?" I asked. "Sa bar," mabilis pa sa alas kwatro na tugon niya. "Iinom tayo para naman mawala ang stress natin this few days, subrang busy natin sa mga activity's and homework," she said. Napa iling uli ako sa mga sinasabi niya. "Hoyyy babaita ka, saka kana sumaya pagkatapos ng graduation natin," I tssked her. "Remember may mga report pa tayong gagawin at naiwang activity na ipapasa this final," habol ko pa. "Ehhh bessy naman e, ang kj mo talaga dali naaaaa," pagpipilit pa niya. Pagkatapos kasi namin mag OJT pinagawa kami ng narrative report ng guro namin. Totoo naman na busy kami nitong mga nakaraan buwan, dahil may OJT kami sa isang company required kase iyon bago grumaduate. Experience kung baga, kung maganda daw ang performance mo pwede ka nilang kunin pag katapos ng graduation kung willing ka raw mag trabaho sa kanila. Aba sino ba naman ang hindi? Ang laking company non. Kaya lang ayaw ko sa mga nagtatrabaho doon masyadong, mataas ang standard nila, akala mo naman kung sino e, same lang naman kaming pubre. Minsan talaga may mga taong akala mo kung sino, nakapagtrabaho lang kung umasta akala mo hindi galing sa hirap. Sa bagay pinaghirapan naman nila yon. Ang kakainis lang minamaliit nila ang kakahayan ng bagong salta pa lamang sa trabaho, mga tao nga naman. "Pssst bessy dali na sama kana sakin unwind tayo," sabay kindat sakin. Ewan ko ba dito sa kaibigan ko ang kulit kung hindi ko lang kaibigan ito sinapak ko na. Syempre joke lang yo'n diko naman iyon magagawa sa bruhang to. "Hoy Sophie Mae umayos ka, nga gusto mo bang isumbong kita kay Tita?" Pananakot ko pa sa kanya. Kitang kita ko ang inis sa mukha niya at hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. "Kainis ka talaga Zahny Amira tsskkk, alam mong ayaw kong binubuo ang pangalan ko e," inis niyang sambit at nang liliit pa ng mga mata. Hindi ko na napigilan ang tumawa dahil sa itsura niya. Kasi naman ayaw na ayaw niyang tinatawag ang buong pangalan niya lalo na, yung second name niya na Mae. Ang badoy daw kasi ng Mae common na daw yo'n. Lagi nga silang nag aaway ni Tita kapag Mae ang tawag sa kanya. "Sige tumawa ka pa dyan tsskkk," sabay irap nito at nagmamadaling umalis. Sumunod naman ako sa kanya at hinabol "Hoyyy Bessy sorry na ikaw kasi ang kulit mo e, love you," pag lalambing ko. "Sige na payag na akong sumama sayo-" Hindi pa nga ako natatapos mag salita ng sumingit na siya "Really? I love you too bessy," kitang kita ko sa kanya ang saya. "Teka di pa ako tapos." Saad ko sakalukuyan nasa room na kaming dalawa. At naupo sa bakanting upuan marami naring tao sa loob mga kaklase kong nag-aayos ng sarili para sa picturial namin. "What do you mean bessy?" Takang sambit nya. Hinarap ko sya at kitang kita ko sa mukha niya ang pagtataka. "I mean papayag ako makipag walwalan sa'yo pagtapos natin nang graduation," I said "What?? Zahny naman e, matagal pa yon gusto ko na mamaya," pagmamaktol niya. "Ano ka ba malapit na graduation natin babaita, one month na lang. Hello girl taposin mo muna kaya yung narrative report na ipapasa bukas," Saad ko "And remember next week final exam na natin, saka na tayo sumaya pagtapos na lahat ok?" Dagdag ko pa. She rolled her eyes "Ok fine your wish is my command," she said, at tila labag sa kalooban. Naging klaro naman ang pag-uusap namin. Mapilit si Sophie sa mga bagay bagay. Pero kapag away ko hindi niya ako pipilitin. Ayon ang isang bagay na gusto ko sa kanya. I love her like my own sister, parang mag kapatid na kaming dalawa. She's my best friend since we grow up. Magkapit bahay lang din kami sa probisya namin. At ngayon magkasama sa boarding house at mag kaklase pa. Parang kambal tuko nga kaming ituring ehhh. "Bessy tayo na ang sunod pagkatapos mo sunod ako, tapos mag pa picture tayong dalawa huh? Send natin sa family natin prove na nag-aaral tayo ng mabuti," natatawang saad niya, at kumindat pa ang bruha. Tumango nalang ako sa kabaliwan niya, nag-aaral naman kami ng mabuti. Lagi lang kaming na pagsasabihan na huwag mag lakwatsa basta raw uuwi kami sa probisya na may dalang deploma. Sakalukuyan nag-aaral kami sa isang sikat na University dito sa Manila dito kasi namin napagpasyahang mag-aral dalawa ni Sophie para daw hindi na rin kami mahirapang mag hanap ng trabaho kung sakali man raw. Kong sa akin lang okay naman sa probinsya, gusto kung tumayo ng bakery panimula sa negosyo ko. Gusto kung ako ang maging boss. Ayaw kong kasing magaya sa pinag OJT-han ko na nahihirapan at laging puyat dahil sa OT. Pero bahala na kung saan ako dadalhin ng tadhana. Ganon naman talaga ang buhay, hinahayaan na lang kung saan tayo dadalhin. Tapos na akong makuhaan ng litrato maging ang kaibigan ko. Marami paring nagpapakuha ng letrato. Mamaya na lang siguro kami, magpapapicture ni Sophie pagkatapos nilang lahat, since wala naman kaming pasok ngayon. Halos buong department kasi kinukuhan ng picture para sa graduation. Lumabas ako saglit sa room upang magpahangin. Nakita ko naman ang bestfriend ko nakikipag kwentohan sa mga kaklase namin. Nilalaro ko ang laylayan nang toga, habang nakatingin sa malayo. Dinadama ang simoy ng hangin kahit medyo mainit. Hindi naman kasi ito tulad ng probinsya na natural at sariwa ang simoy ng hangin. "Hey," someone said. "AYY PALAKA KA," gulat ko nang biglang may sumabat sa likuran ko. "I'm sorry did I scared you?" Tanong niya Napalingun ako sa nagsasalita, it was Braddy my ex boyfriend. "Are you okay?" He asked. I smile to him "Yeah I'm ok na gulat lang ako sa'yo, nag e-emote kase ako bigla ka namang nagsasalita d'yan," I said. He gently laugh seguro sa sinabi ko. "Will I'm sorry if I disturbed your day dream," he chuckled at me when he talk. Napaka gwapo niya pa rin kahit na halos isang taon na kaming nagkahiwalay mas pomogi nga siya. Siguro may pinuporhana na. Will wala naman yun sakin tapos naman na kami. "Ano ka ba? Kakabagin ka nayan kakatawa mo tsskk. What are you doing here?" I added to asked and smile. "ahmmmm," nahihiyang turan niya. "A-ahm I want to talk to you about us," he said calmly. Matagal nagprosiso sa utak ko ang ibig niyang sabihin. "H-huh? W-what about us?" I asked again, dahil na guguluhan ako sa sinasabi nya. Matagal na kaming nagbreak ano ito? Anong gusto niyang mangyari? "I mean kung papayag kang maging friend tayo tulad ng iba?" he said clearly. Tumango tango ako sa kanya Wala namang masama right? "It's that a yes?" He asked curiously. Ano pa nga ba ang magagawa ko "Yes, why not," I rolled my eyes. "May pinagsamahan naman tayong dalawa." Totoo naman halos 1 year and half kaya kaming magkasintahan noon. "Really?" Tumango ako at nagulat sa pagyakap niya. Halos hindi ako makagalaw at naging bato sa ginawa niyang iyon. He's my ex boyfriend kaya nagulat ako. "Thank you Hon.... I-i mean Zahny for giving me a chance," he whisper near to my ear. Wait what? What his talking about? Tinulak ko siya nang bahagya, dahil mas naguguluhan ako sa pinagsasabi nya? "G*g* na to ano ibig mong sabihin?" I asked na may pagkairita. "Ahmm nothing Zahny, I said thank you for giving me a chance na kahit papaano panatag na loob ko. N-na at least magkaibigan tayo mababantayan parin kita tulad ng pinangako ko sayo," He said clearly and smile. Oo nga may pinangako siyang babantayan ako at poprotiktahan. Ayon siguro ang ibig niyang sabihin. I smile at him "Ano kaba di mo naman yo'n dapat na gawin sa akin kaya ko ang sarili ko," turan ko. Napakabait niya parin hanggang ngayon at napaka swerte ng babaing mapapa-ngasawa niya kung sa kali. Hiinawakan ang kamay ko like he doing before. "No Zahny I insist, kaya kahit ayaw mo, gagawin ko parin kasi maha-" Nabitin sa ire ang sasabihin niya at inisip sa pweding kasunod "I mean kaibigan kita." Ang lakas ng naging kalabog ng dibdib ko sa mga kasunod niyang sasabihin iyon lang pala. Subrang bait niya at napakagwapo pa kahit sino magiging crush yata siya. Hindi ko rin alam kong bakit ba hiniwalayan ko ang lalaking to. Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko. Tahimik lang ako habang pinipisil niya ang palad ko. Kakahiya mas malambot pa yata ang palad niya kesa sakin. Ngayon pa talaga ako nahiya lagi naman niyang ginagawa yon dati. "Zahny I'm sorry," panimula niya at nagtataka naman ako kung para saan iyon. "Sorry for what?" Nagkatitigan kaming dalawa, kita ko sa mga mata niya ang lungkot. "I'm sorry for being stupid and aggressive that night," his voice cracked. "Nadala lang ako ng kalasingan, I won't hurt you Zahny I'm sorry," he added. Naiintindihan ko naman sya. I remember that night kamuntikan niya pa akong saktan dahil sa pagpipilit niyang halikan ako, pero hindi ako pumayag. Napaluha marahil iniisip niya ang nagawa niya noon sa'kin, lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha gamit ang palad ko. "Hey it's okay tapos na yon, stop crying Braddy hindi bagay sayo," natatawang biro ko. "Braddy I forgive you matagal na," I whisper and smile. "Kaya sana hindi muna iyon gagawin sa magiging girlfriend mo okay?" He nodded. "Ohhh myyy gosh, Braddy it's that you?" Tili ni Sophie sa likod niya. " Wait are you guys crying?" Takang tanong ni Sophie. Nakita ko namang tumalikod si Braddy sa'min at nagpunas ng luha. "Zahny?" may pagtatanong na turan sa akin ng kailangan ko. "What?" Tanong ko pabalik. Nagpalipat-lipat ng tingin ang mata niya sa amin. "Kayo na ba uli?" Tanong niyang muli. Kunot noo ko siyang tiningnan, ano tingin niya sakin marupok, babaitang to ohhhh. "No Sophie we're just talking, at kikipag kaibigan ako Kay Zahny," Braddy said. Sophie nodded at mukhang kumbinsado naman sa sinabi niya. "Let's us taking a picture remembrance lang for us," aniya at dalidaling kinuha ng cellphone niya para kumuha ng larawan. Kinuhaan nya din kaming dalawa ni Braddy since nakatoga namin kami. Architect ang kinuha ni Braddy, kami naman ay Business Management. Kakatawa lang isipin, na dapat siya ang sa business kasi may company ang parents nya. Ayaw niya raw iyon dahil kinahiligan niyang mag desinsyo ng mga kung ano kaya nga nag-architect siya. May mga ginuhit din siyang larawan ko at sakalukuyan nasa kwato ko nakadisplay. May kaya si Braddy kita naman sa mga suot nitong mamahalin at sasakyang ferrari na gamit niyang paghatid sundo sa akin noon. Hindi rin siya mayabang tulad ng iba. Mababait din family niya halos yata sa pamilya niya ay mababait. "Arckkk," tili ni Sophie "Bagay na bagay talaga kayo bakit hindi na lang kayo magkabalikan uli?" Mahina akong napaubo sa sinabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran ngunit mahina lang. "Tumigil ka nga Sophie," may diing saad ko at binigyan siya ng babala. "Ouch bessy ang sakit, wag nalang pala Braddy mapanakit itong ex mo tsskk," reklamo niya, natatawa nalang sa'min si Braddy. Alam niya kasi na parang aso't pusa kaming dalawa. "I think we have to go kailangan ko nang bumalik sa room baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," Braddy said, then he left after saying goodbye. Umakbay sa'kin si Sophie ng makaalis si Braddy. "Sayang bessy no? Juckpot ka na sana sa kan'ya imagine mayaman, gwapo, matangkad, hot, ang yummy, mabango, at mabait pa. Tapos ikaw pa choosy pa-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang mabilis pa sa alas kwatro ang kamay kong dumapo sa tagiliran nya. "Ouch naman Bessy kanina ka pa nangugurot mapanakit ka,"aniya. "Ikaw babaita, baka may crush ka sa kanya bakit hindi na lang ikaw ang manligaw," I tease her. "Ewwww," aniya at umakting pa sa ginagawa niyang pagsusuka kunwari. "Ayaw ko nga tira-tira mo na yon ang gusto ko yung ako lang ang mauuna," tugon niya. Napapailing nalang ako sa kaibigan ko. Nagtatawanan kami ni Sophie habang, naglalakad sa hall way ng paaralan para umuwi. Puro mga biro kasi ang mga sinasabi niya, sa totoo lang masaya ako dahil sa kan'ya. Lagi siyang nasa tabi ko kahit na walang wala ako noon hindi niya ko iniwan. Di hamak kasi na mas may kaya sila kesa sa'min, may malaking sari-sari store sila sa probinsya namin. Kaya kahit papaano maginhawa ang buhay nila nag-iisang anak din siya. Kaya kahit anong gusto na ibibigay. Samantala kami isang kahig isang tuka, ang tatay nagsasakahan ang nanay naman nagtitinda sa palingke. Nag-aaral pa din ang kapatid kong lalaki ng Senior High School at pariho kaming gagraduate. Pariho kaming nagulat ni Sophie nang makalabas sa school. Bigla nalang kasing may humarang na sasakyan sa harap namin. It was Braddy, binaba niya ang bintana ng kotse nya sa kaliwa at sumilip doon "Hi...... girls, hatid ko na kayo," he said Bigla nalang kumalas si Sophie sa akin at dalidaling binuksan pintuan sa likod. "The best ka talaga Braddy, halika na bessy sakay na huwag ka nang mahiya," aniya. Napaawang ng bahagya ang panga ko dahil sa inasta ng kaibigan ko "Alam mo Sophie Mae ang kapal mo hindi pa naman ako umu-oo sumakay kana," pagrereklamo ko sa kan'ya. "Tama na ang pachoosy bessy sakay na," sabat niya, himala hindi yata naiinis sa pagbigkas ko ng name n'ya. Nagkibit balikat na lamang ako, at sumakay sa front set. Naiiling akong sumulyap sa kan'ya. "Braddy sorry huh! Wala kasing hiya itong kaibigan ko alam mo naman yon diba?" pagbibiro ko. He laughed. "Hoy, Zahny Amira huwag mo nga akong siraan, ikaw nga itong ihahatid choosy ka pa tsssk," she whisper, but Braddy laugh again. Nagsimula na siyang nagmaniho. "Hindi parin kayo nagbabago. Nakakatuwa parin kayo," He said smiling while talking. Makalipas ang ilang menuto huminto ang sasakyan sa tapat ng boarding house namin, hudyat nakarating na kami sa tinutuluyan namin. "Thank's for the ride Braddy ingat ka sa pag uwi," I said to him. "No it's nothing, bye take care," he smiled and weave his hand to me. "Salamat Braddy ingat ka pag uwi," habol na pamamaalam ni Sophie. "I will bye see you tomorrow," he said. Natapos na kaming mag hapunan ni Sophie. Nakaligo na din ako, at magrereview ngayon para sa final exam namin. Tapos na ako sa narrative report namin na ipapasa bukas. "Bessy help," anang Sophie na kinagulat ko sa paglapit niya sa'kin. "What?" I asked "Help me, tulungan mo akong gumawa ng report please," pagmamakaawa nito. "Ayan kasi ehh kung ano-anu ang ginagawa mo, may paayaaya ka pa sa'kin mag walwal tsskk," reklamo ko. "Ehhh sige na Zahny please bessy," paglalambing n'ya pa habang naka nguso. "Ano pa nga ba ang magagawa ko halika na nga," I said then she smile. "Thank you bessy love you," sambit niya, hindi ko naman kayang tiisin ang bestfriend kong ito. Nagsimula na kaming gumawa para matapos na kaagad. Mabilis naman namin iyon na tapos, at sahalip na magreview. Tinapos narin namin ang iba pang activity sa ibang subject. Hating gabi na kaming natapos dahil tinapos narin namin yu'ng iba pang activity na ipapasa pagkatapos ng exam. "Bessy okay na ba lahat?" tanong ko. Sahalip na may matanggap akong sagot hilik niya ang narinig ko. I smile when I look at her, nakapaganda ng best friend kong ito kahit tulog. Morena siya pero makinis namana niya yata kay Tito ang balat niya. May mapupulang labi at matangos ang ilong. Will maganda rin naman ako tulad ng bestfriend ko, maputi lang ako makinis din ang balat at may katamtamang tangos na ilong di tulad ni Sophie matangos letiral. Matangkad rin siya kasi mataas s'ya sa'kin ng kunti, 5,7 siya samantala ako ay 5,4 lang. Lumalaban din siya sa rampahan at pambato namin. Dahil sa natural nitong pag kamorenra. Ilang beses rin akong isinali ng gurong adviser namin, pero tumatangi ako. Ayaw ko kasing maexpose ang katawan ko at pagpeyestan. Mabuti itong si Sophie sanay na, pambato rin namin ito sa aming barangay pag nagpifiesta ang bayan namin, at siya ang laging sinasali. May naging karelasyon din naman siya kaya nga lang hindi tumatagal mabilis siyang magsawa sa isang lalaki. Pagnakikitaan niya nang ikakaturn off n'ya, nakikipag hiwalay agad siya. Nakaramdam narin ako ng antok pero bago yon. Nilinis ko muna lahat ng kalat namin, tinabi ko ang laptop maging ang mga papel, at scratch nilinis ko. "Bessy wake up," gising ko sa kan'ya. "Ahmmm," she said "Hoy, babaita nalalawayan muna ang gawa mo," pagbibiro ko. Bigla itong nagising at bunangon, tiningnan ang naipit niyang papel mula sa pagkasubsub niya. "Bessy naman ehh, istorbo naman to malapit na ehh, ipapasok niya na," tila wala sa sariling bigkas niya. Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya. "Hoy babae kailan ka pa naging mahalay huh?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya. Bigla naman siyang napakamot sa ulo, at na alarma sa sinabi. "Bessy sorry, good night," aniya saka kumaripas ng takbo sa kwarto niya. "Luka-luka talaga ang babaing yon," nasabi ko nalang sa sarili ko. Bigat na bigat na ang mga mata ko at gusto na nitong pumikit at matulog, pinatay ko ang lahat ng ilaw sa BH namin at saka pumaibabaw sa kama ko. Kinaumagahan maaga akong nagising kahit na 12pm kami nakatulog kagabi, 5am na ng umaga, tapos na ako magluto para sa agahan namin ni Sophie. Pinapain-inan ko nalang ang kanin sa rice cooker. Habang naghihintay naisipan kong magwlis sa harap ng BH. Tama lang ang laki ng bahay na ipuupahan namin, hindi rin masikip may space pa nga sa harap na puro bulaklak, at may duyan sa pagitan ng malaking puno ng mangga. Gusto nga itong ipaputol ng may ari, kasi makalat daw ang dahon at baka mahirapan kaming maglinis. Hindi naman kami pumayag ni Sophie kasi magandang tambayan sa labas pagmaiinit sa loob. Tsa'ka ang sabi namin kami na ang maglilinis at magdidilig ng halaman nila. Laki ang pasasalamat nila sa amin kasi mas gumanda ang halaman nila at dumami. Inayos kasi namin ito ni Sophie para mas maganda tingnan sa labas. "Hi good morning," boses ng sa likod ko napahinto ako sa aking ginagawang pagwawalis nang marinig ko ang boses na yon sa likod ko. Sumulyap ako sa kanya, he smilling at me, diko naman siya kilala at ngayon ko lang rin ito nakita. Naka suot siya ng pangfuck boy short hanggang tuhod, at ka white t-shirts na siyang bumagay sa kanya. At sa tingin ko nakapaligo na dahil naamoy ko sa kan'ya ang shower gil sa katawan. Samantalang ako amoy pawis at malagkit pa ang katawan. Nagkasalubong ang aming mata, at tinitigan ko siya ng may pagtatanong. "I'm Rayan pinapabigay ni Mama itong ulam sa inyo," bumaling ako sa inabot niyang tray, at at wala sa sariling inabot iyo'n kahit hindi ako sure kung para sa'min talaga. "Ahmm who are you again?" I asked "I'm Rayan anak ako ng may ari na inuupahan nyo," He said clearly. Napa O shape naman ang bibig ko, nakwento na nga sya ni Tita Grace sa amin. "Ohhh I see, good morning I'm-" "Zahny Amira right?" Dugtong niya sa sasabihin ko. "Wow you know me huh?" pagbibiro ko. "Yeah lagi kasi kayong nakukwento ni Mama," he said. "And I fallowing you in sss matagal na, hindi mo nga lang ako naaaccept," he shying said, at may pakamot pa sa batok. "Ohh sorry bihira kasi akong mag-open ng sss ko busy kasi ako. Kailan ka pala unuwi?" Tanong ko. "Ahmm kahapon pa, kaya lang pagdating ko dito wala raw kayo sabi ni Mama sa school daw kayo. Kaya inaya ko nalang sila magshopping." Aniya "Ahh ganon ba? By the way thank you dito pakisabi kay Tita salamat," I smile when I talk. "Sorry Rayan huh! Magaasikaso pa ako may pasok pa kami ehhh," Nasabi ko nalang dahil nakakahiya naman, at pinagtitinginan na kami ng dumadaan. "I see,.. will nice too meet you Zahny," he said and wave his hand before he left. Pumasok na ako sa loob ng bahay, dahil tapos narin akong magwalis. Nagulat ako nang humarang sa daan ko si Sophie. "Bessy sino yo'n ang gwapo ahh," tanong niya. May itsura naman talaga si Rayan matangkad rin kasing tangkad niya si Braddy. Maputi rin at matangos ang ilong at may mapupulang labi. Tinanggal ko ang kamay niyang nakaharang sa daraan ko. "His Rayan anak ni Tita Grace yung lalaking kinikwento nya sa atin," I said "Ahh yung seaman?" She asked, and I nodded. "Inferness iba din si Tita Grace ano may anak siyang gwapo at hot siguro yummy yo'n," I rolled my eyes when she said that thing. "Kumain nalang tayo Sophie at maligo, may pasok pa tayo," saad ko, at baka malate pa kami. Nakagayak na kaming pumasok sa school, nang biglang may huminto na sasakyan sa tapat nang gate namin, kung nasaan ang pwesto ko. Unti -unting bumaba ang binta nang sasakyan, at sumilay ang mukha ni Rayan. "Hi.... pa school na kana?" he asked "Ahmmm oo ehh," I said "H-hatid na k-kita," aniya at ramdam ko ang kaba sa tuno ng pananalita niya. At bakit naman? hindi naman ako nangangagat ahhh. Nagulat ako sa biglang pagsingit ni Sophie "Pogi baka gusto mo rin akong ayain sumakay," aniya. Walang hiya talaga ang babae na ito. "I'm Sophie bestfriend ni Zahny," nilahad niya sa kamay kay Rayan. "Ohh sure, I'm sorry if I not notice you," panghihingi nang sorry ni Rayan. " I'm R-" "Rayan right?" Dugtong ni Sophie at tumango naman si Rayan. "Tara na bessy sakay na tayo," she said. Walang hiya talaga itong kaibigan ko. akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse ng hinila ko sya. "Sophie ano ba nakakahiya," tugon ko, pinamulahan na ako ng mukha sa pinaggagawa ng kaibigan ko. "No it's ok Zahn I insist, since pupunta din naman ako ng office namin may-aasikasohin lang, madadaan naman ang school n'yo. Kaya ihahatid ko na lang kayo," he said. Nagaalangan pa akong tuminging sa kan'ya. Nakakahiya kasi, pero itong bruha na to pumalakpak pa sa tuwa. "Lika na na bessy bawal pa choosy," aniya. Inirap ko na lang siya, at bago n'ya pa mabuksan ang pinto sa likuran inunahan ko na sya. Nahihiya kasi ako kay Rayan ehh, tutal bida-bida naman itong bruha kong kaibigan siya na sa unahan. "D'yan ka na sa unahan bessy," sambit ko. Habang nagbabyahe panaka-nakang sumusulyap sa aking kinaruruan si Rayan sa salamin na malapit sa ulo niya. Habang ang bruha kong kaibigan ayon panay ang daldal bida-bida talaga. Nakarating na kami sa school at sa main gate nang university kami ibinaba ni Rayan. Sakto ding naghihintay si Braddy sa'min habang nakaclose arm pa. "Thank you for the ride Rayan," pasasalamat ko sa kan'ya, nagpasalamat rin si Sophie. Kumaway kami sa kan'ya, bago tumalikod. Kunot noo namang ang nakikita ko kay Braddy. At nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Nanigas ako sa ginawa niya, alam kong gawain niya ito noong boyfriend ko pa siya. Pero ano itong ginagawa nya? Naitulak ko s'ya bigla at nasapak ng mahina sa batok nito. "G*go ka ba Brad? Anong ginawa mo?" Takang tanong ko. Nilingun ko si Sophie at ganon din ang nagulat sa nakita. Napahawak siya sa kanyang batok. "Ouch naman Hon ang sakit," reklamo niya, na akala mo nasaktan talaga. "Anong hon ka dyan Braddy? Baliw ka talaga?" Saka ko siya nilampasan. Pinigilan n'ya agad ako nang akmang aalis na. "Sino yo'n?" Turo niya, tinunton ko ang tinuro niya. At nagtataka kung bakit hindi pa nakaalis si Rayan. "Si Rayan, Braddy anak ni Tita Grace," si Sophie na ang sumagot sa tanong niya. Muli kaming kumaway kay Rayan upang maka alis na. Naging abala kami sa ginagawa namin maghapon. Naipasa narin namin ang report at activity at ilang weeks na lang graduation na namin. ___________________________________ Mabilis lumipas ang araw tapos na ang exam namin at sa awa ng diyos napasa namin ni Sophie ang lahat ng subject. Naipasa narin namin ang dapat ipasa isang lingo na lang graduation na namin. Mauuna ang graduation day namin kesa sa kapatid kong si Zhian. Kaya ang mangyayari. Uuwi si Nanay dito sa manila at si Tita Milanda na nanay naman ni Sophie. Nag mumuni-muni ako dito sa terrace nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni nanay at agad sinagot para makausap siya. "Hello Nay, kamusta po?" Paunang tanong ko. "Ayos naman kami dito anak, ikaw kamusta ka diyan kumain ka ba riyan ha, Zahny?" Tanong ni Nanay sa akin na may pag-aalala. "Ayos lang po ako Nay, kayo po dapat ang kinakamusta," bigkas ko. Pinipigilan kong umiyak na subrang pagka miss sa kanila."Si tatay po kamusta?" Pahabol ko pa. "Ayos naman kami anak, ang Tatay mo ayon nakikipag kwentohan sa kapatid mo sa labas," aniya. "Ganon po ba kamusta naman po ang sakahan ni tatay Nay?" Dinig ko ang pagbuntong hininga niya "ayos naman anak kaya lang-" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Nanay nang muli siyang huminga ng malalim. Nakaramdam ako pag-aalala, dahil sa malalamin na paghinga niya. "Kaya lang ano po nay?" Kuryosong tanong ko. "Ohh anak Zahny ikaw ba yan?" Dinig ko ang boses ni tatay. "Opo Tay ako po ito, kamusta po?" "Ayos naman ako anak ko, ikaw kamusta na? Malapit na ang graduation nyo, aba'y mag-iingat ka diyan huh?" nag-aalalang turan ni tatay. "Naghahanap ako na pangpamasahi ng nanay mo, para naman makaattend ng graduation mo," Saad ni Tatay at bakas sa tuno niya ang saya. "Kahit ang Nanay mo nalang ang makaattend sayo anak masaya na ako," dagdag pa niya. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha sa aking mga mata, dahil sa mga sinabi ni Tatay. "Anak ko proud kami sa iyo-" Tatay's voice cracked, seguro lumuluha na siya tulad ko. "Proud na proud kami sa i-iyo anak ko," he whispered, nakikinig lang ako kay tatay habang nagsasalita. Ngunit patuloy parin ang pagluha ng mata ko. "Napakatapang mo anak at kinaya mo ang lahat, kahit na sa malayo ka," aniya. "Tay naman ehhh pinapa iyak n'yo po ako," pagtatapat ko at pagtitimpi para lamang hindi marinig ang pag iyak ko. "Tay salamat po sa inyo ni Nanay sa pagtitiyagang mapadalhan ako financial," humikbi ako at hindi ko na napigilan ang humagagol. Rinig ko narin ang pag-iyak ni Tatay at Nanay. "Para po ito sa inyo Tay, Salamat po sa tiwala Tay.. mahal na mahal ko po kayo, hayaan nyo po pagkatapos ng graduation hahanap po ako agad ng trabaho para makatulong sa inyo," naluluhang sambit ko. "Wag ka magmadali anak magpahinga ka rin halos apat na taon ka naming hindi na kita, segurado kaming napagod ka sa pag-aaral at part time job mo riyan," saad ni Tatay. Tama ang Tatay apat na taon akong hindi nakauwi. Dahil yong iuuwi ko sa probisya, naghanap na lang ako ng pwedi kong mapasukang trabaho, habang bakasyon. Ganon din ang ginawa ng kaibigan kong si Sophie kasi nga bida-bida. Pero masaya naman kaming dalawa. Malaki rin ang ipon namin kahit papaano. Ayaw nila Nanay na padalhan ko sila ipon ko raw para sa gastosin ko rito at sa school. Hindi rin sila pumapalya sa pagpapadala ng allowance. Kahit tumanggi ako ayaw nila, ipunin ko nalang daw, o idagdag sa savings. May ipon din kasi ako galing sa pagtatrabaho ko. Kaya ang ginawa ko nag-apply ako sa banko para iipon ang savings ko. Galing sa pinag-tatrabahuhan ko at sa padala nila Nanay kung may subra ma'n sa padala. "Pero Tay papasok na po sa college si Zhian, gusto ko pong ako naman ang magpapa-aral sa kanya. Para po maka pagpahinga kayo ni Nanay," panggigiit ko. Naaawa na din ako sa magulang ko tudo ang kayod nila para sa aming dawala ng kapatid ko. "Ayyy si'ya kung makulit ka ikaw na bahala," tugon ni Tatay na may kasamang tawa, narinig ko ding nakikitawa si Nanay sa amin. "Sige na anak matutulog na kami, magpahinga ka narin huh?" Habol ni Tatay sa pagpayo "Okay po Tay, ingat po kayo mahal ko po kayo ni Nanay at Zhian," Narinig ko rin ang pag "Ewww" ni Zhian sa sinabi ko nagtawanan nalang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD