"Hindi ka parin ba pinapansin ng assassin na yon?" tanong ng madaldal kong bestfriend s***h pinsan na si Carlyn.
Nagmamaneho ako ngayon papunta sa mall dahil inaya ako ni Carlyn. Nagulat na lang ako kanina ng biglang dumating itong babae na 'to. Wala si lola sa bahay kaya nakapunta siya tss, ayaw din n'yan kay lola kaya hindi siya napunta pag nasa bahay ang lola.
"Hindi parin," nakangusong sagot ko sa kan'ya.
"Hahaha kung hindi ko lang nakikita na maganda ka iisipin ko talaga na napapangitan sa'yo 'yon o baka naman bakla?" tumatawang sabi niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Mapang-asar talaga itong si Carlyn, palibhasa alam niya ang mga pagpapansin ko at ang pambabaliwala ng lalaki sa akin.
"Seduce him," suggestion niya.
"What? Hindi pa naman ako ganoon kacheap no!" reklamo ko sa kan'ya, kahit naman patay na patay ako ron, parang hindi ko kayang gawin 'yon.
Naiimagine ko tuloy na nagsusuot ako ng bikini tapos sasayaw ako sa harapan ni Mirco oh my gosh nooo!
Napapreno naman ako bigla sa naiisip ko. My God! Hindi ko kayang gawin ang bagay na' yon! Hindi kaya ng kahihiyan ko, kahit gaano ko siya ka gusto hindi ako magpapakababa ng ganoon.
"Sh*t hindi ko naman sinabing e-imagine mo ngayon gosh! mahal ko pa buhay ko umayos ka nga Sam!" reklamo niya sa akin.
Natawa naman ako sa reaction niya. Siya itong nag suggest tapos nang maimagine ko ang takot niyang maaksidente kami.
"Haha don't worry mahal ko pa din buhay ko kaya hindi ko hahayaang maaksidente tayo," sabi ko sa kan'ya.
Hindi pa nga ako nakakascore kay Mirko, hindi ako papayag na maaksidente no!
Nang makarating kami sa mall ay nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Habang papasok sa mall ay panay ang reklamo niya sa akin. Akala mo naman talaga kung napano na siya.
"Ako na magdadrive mamaya pauwi ha kainis ka!" panay ang reklamo niya.
"Haha move on."
"Move on? Muntik na tayong mamatay kanina," overacting na sabi niya.
"Ang oa mo para nabigla lang naman ang pagpreno ko," reklamo ko sa kan'ya.
"Oa? Gosh pano kung hindi ako nakaseatbelt ha tapos nauntog ako then boom I'm so dead na," eksaheradang sabi niya.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kan'ya. Napaka-oa talaga, nauntog lang patay na agad? Pwede amnesia muna? Or mawalan lang ng malay. Pwede ring bukol lang muna.
"Haha baliw!" natatawa ng sabi ko sa kan'ya.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa mall ay nagpunta agad siya sa mga damit. Nagtingin tingin din ako ng mga damit dahil kung papanuorin ko lang si Carlyn ay siguradong mamamatay ako sa inip.
Habang hawak ko ang kulay pink na dress ay naramdaman kong may nakamasid sa'kin kaya naman nagkunwari akong wala parin akong alam. Humarap ako kung saan ko nararamdamang may nakatingin habang tinataas ang damit kunwaring sinusuri ko ito pero sa gilid ng mata ko ay kita ko ang isang lalaking nakatago sa mga damit. Tss wala nga si lola pero mukhang may iniwang mga asungot para patayin ako. Nasa business trip kasi ngayon si lola tss pasabugin ko kaya kung saang lugar siya naroon naaasar ako e. Nasa malayo na nga siya nag-iwan pa rin siya ng kalokohan dito. Eh kung sundan ko kaya siya at ako naman ang manggulo. Kakaiyamot ang matandang 'yon.