Nasa clinic na sila ni Shawn nang pumutok ang panubigan niya. Akala niya ay masasaktan siya ng husto pero hindi naman pala. Sabi rin ni doktora Yna na mas naging mataas ata ang pain tolerance niya at mukhang hindi rin siya mahihirapan mag buntis. Ginagawa niya kasi ang mga exercise para sa buntis at inaral niya talaga ang mga kailangan gawin para mas mapadali ang buhay niya. Nakahiga na siya at ngayon ay naghihintay na lang na lumabas ang anak niya. Ilang beses pa siya napasulyap kay Shawn dahil parang daig pa nito ang manganganak. May butil ng pawis sa noo nito at mahigpit ang hawak sa kaniya. "Can you calm down? Ako dapat ang matakot pero parang baliktad na ata tayo," ani niya sa asawa. Yes, they are finally married. It was a simple wedding. Iyon ang naging desisyon niya at pumayag

