Hinatak niya ang dalang maleta at umupo sa isang tabi. Kasama niya si Agatha ngayon dahil nakita niya ito kasama si Riker na umalis din kaagad. "Mamaya pa ang flight mo 'di ba? ang aga mo naman masiyado," ani nito sa kaniya habang marahan na hinihimas ang tiyan niya. Agatha was so happy to hear that she's pregnant. "May dinaanan din kasi akong store. Alam mo na, ganito pala pag naglilihi gagawin ang lahat para makain ang gusto," ani niya habang natatawa. "Sigurado ka bang aalis ka na?" tanong nito sa kaniya habang muling tinitingnan ang gamit niya. Mabilis siyang tumango ng sunod-sunod. "I need to rest... Pahinga muna at pagkatapos ay babalik na ako sa gagong 'yon para gisingin pati ang kaluluwa niya," ani niya sabay irap na ikinatawa ni Agatha. "I also understand him... Nakaka

