"Sir we have lunch meeting with the new writer today." Tumango siya sa secretary niya habang hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa ipad niya. Girls are chatting him. Yes, Girls with S dahil lima ang kausap niya. They all want to meet him tonight. Malakas talaga ang kamandag niya sa mga kababaihan. Nang matapos siya sa pakikipag usap ay tiyaka lang siya tumayo sa pagkakaupo. Kung hindi niya lang kailangan pumunta sa lunch meeting ay wala siyang balak kumilos. Kakatapos lang ng busy month niya kaya naman medyo relax siya ngayon. "Is she korean, right?" tanong niya sa secretary niya habang nasa loob ng sasakyan. Pinaandar na ng driver niya ang sasakyan papunta sa restaurant kung saan sila mag meeting. "Yes Sir Shawn pero matagal siyang tumira sa pilipinas kaya fluent siya sa tagalog."
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


