Chapter 7 Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Pakapasok palang ni Carlos Miguel ay nagsalita na agad ito. "So, dito ka na lang habang buhay? Magmumomok, iiyak, hindi na kakain at hindi na rin lalabas ng silid?" tanong ng binata. Ngunit tinalikuran lamang ito ng dalaga. "Hanica, hindi pa katapusan ng mundo isipin mo ang mga empleyado mo na nagtatrabaho sa kumpanya niyo ang umaasa sa iyo," dugtong pa nito. Nang biglang bumangon ang dalaga sa pagkakahiga. Nilapitan nito ang binata. "Pwede ba, Carlos Miguel! Huwag mo akong turuan ng mga dapat kung gawin! Isa pa wala ka namang pakialam sa akin diba? At pwede ba, huwag na huwag kang pumupunta dito sa pamamahay ko, dahil hindi naman kita pinapunta diba?" galit at naiinis na saad ng dalaga ngunit kita sa muk

