Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romcom Habang umiinum ng alak sila Carlos Miguel at Lucas at nagluluto naman si Hanica ng inihaw na isda at pusit. Matapos itong magluto ng inihaw ay nagyaya na itong kumain. "Kain na tayo," aya naman ni Diane kay Carlos Miguel. Parang walang narinig ang binata kay Diane at hindi ito sumagot bagkus ay naglakad ito at nilapitan na lamang si Hanica. Tumulong ito mag-slice ng pusit. Habang si Lucas at Diane ay nagkatinginan. "Ano'ng problema n'yo?" tanong ni Lucas sa Diane. "Bantayan mong maigi si Hanica. Huwag mong hahayaan na makapag solo sila. Dahil baka mawala sa 'yo ang babaeng pinakamamahal mo at gano'n din ako," makahulugang saad ni Diane kay Lucas. "Hiwag mag-alala dahil may nakahanda na akong plano at hindi na mawawa

