Emma (POV) Inalagaan ako ni Kuya at hindi na kami nag ana ana pa dahil napuruhan talaga ako. Check out na namin ngayon at hinihintay namin sina Tita sa Information para mag check our na kami. Bumuti na ang pakiramdam ko at medyo nakakalakad na rin ako. Papalapit na sina Tita sa amin, mabagal siyang mag lakad at nasa harapan niya si Kuya Tort na seryoso ang mukha. "Kuya hindi yata umubra ang plano mo, tignan mo nakasimangot silang pareho." "I don't think so." Sagot niya at napatingin ako ulit sa dalawa na malapit na sa amin. "Tita bakit hindi kita matawagan?" Tanong ko nang tumabi siya sa akin, si Kuya Tort naman ay nakatayo at nakayuko. "Na lowbatt ang cellphone ko at nakalimutan kong dalhin ang charger ko." "Hala Tita makakalimutin kana dapat mag-asawa ka na, nan diyan si Kuya Tort

