"Elmo, okay ka lang ba? Diba sinabi naman nung waiter na wag daw masyado maanghang?" Tanong ni Chef Paolo kay Elmo. Nakagat ni Elmo ang loob ng kanyang pisngi. "Opo Chef, sorry po." Napahinga na lang ng malalim si Chef Paolo. "Sige sige back to work na." "Sorry po ulit." Sabi na lang ni Elmo at bumalik sa kanyang station. Napakurap siya at umiling para lang mawala ang pagkadisorient niya. "Elmo." Napatalon siya sa boses kahit gaano pa kahinahon iyon. It was Cerisse. Alanganin itong nakatinging sa kanya pero may maliit na ngiti naman sa muhka. "Okay ka lang?" Tanong ng babae. Marahan siyang tumango. "Ah oo. Okay lang ako. Pasensya na." Sabi niya bago tumingin palayo. "Sige...uhm, ano pala..." Tumingin muli si Elmo sa babae dahil nahalata niyang may sasabihin pa ito. Bahagya niya l

