AN: Typos will be...everywhere mwahaha "Moe tara! Isang bote ng beer lang o!" Hindi muna gumalaw si Elmo sa pwesto niya sa loob ng locker room. Nagyayaya nanaman sila Chef Pao. Kaso wala siya sa mood eh. Medyo napagod siya ng araw na iyon. Muhkang nakita ng iba ang pagdadalawang isip niya. Nakangising lumapit sa kanya si Chef Louie at inikot ang mga braso sa balikat niya. "Tara na Elmo. Minsan lang naman eh. Nakakastress itong araw na ito and we all need a pick me up!" "Yeah bro." Biglang salita ni James sa tabi ni Elmo. "Minsan lang naman." Napatingin si Elmo sa oras. Mag-aalas diyez pa lang. He guessed a few drinks wouldn't hurt. "Sige." "Yown! Tara!" Sabi ni Chef Louie. "Sa paborito na lang natin." "Sama kami!" Ani ni Chef Tess habang hila hila si Cerisse. Bahagyang tumungo an

