Nakailang tunog na ata ang alarm clock niya pero pindot lang ng pindot sa snooze button si Julie. Lumalamig na kasi ang panahon dahil malapit na ang pasko at gusto lang niya humilata sa kama. Pero hindi pwede dahil may pasok siya. Naghilamos na siya at nagmumog bago dumeretso sa kusina. Tulog pa siguro si Elmo dahil alam niya na alas diyez pa ang pagreport nun sa restaurant. Medyo wala pa rin sa sarili na naglakad siya papunta sa kusina ng bahay at napatalon nang may makita siyang malaking bulto na nagluluto na sa tapat ng stove. "Elmo?" Humarap ang lalaki at pinakitaan siya ng isang malaking ngiti. "Morning Aka, medyo na-late ka na ata ng gising? 6:30 na. Maliligo ka pa saka kakain. Teka tatapusin ko lang ito." At saka naman ito humarap sa linulutong breakfast. Naguguluhan pa rin na l

