To say that things were awkward would be an understatement. Nakaupo ngayon sa may food court si Cerisse, kaharap si Julie at si Elmo. Maraming tao sa paligid at maingay pero maririnig mo ang katahimikan sa kanilang tatlo. "M-magkakababy na kayo?" Simula ni Cerisse na medyo nauutal-utal pa. Kitang kita kasi ang mga dalang paper bag ni Elmo na yakap yakap pa ng lalaki. Akala mo naman ay may magnanakaw. "Ah oo." Mahinang ngiti ni Julie. "2 months na." Hindi niya alam kung bakit pero na-aawkwardan talaga siya at kausap nila ngayon si Cerisse. Ito na rin kasi ang tinanong sila kung pwede ba daw sila kumain at mag-usap. Treat pa daw nito ang kanilang kakainin. Pero ngayon, lahat sila ay hindi makasalita. Pasimpleng sinulyapan ni Julie si Elmo na komportable lang naman na nakaupo sa tabi niya

