Chapter 47

3001 Words

Kung pwede lang hindi pumasok ay hindi talaga papasok si Julie pero alam naman niyang kailangan niyang gawin ang tungkulin niya sa trabaho. Time to get up Julie Anne. Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Ang sikat ng araw ang unang bumati sa kanya. Ayun din kasi ang dahilan kung bakit nagising na siya. Usually ay ang alarm clock niya ang may dahilan pero sa wari niya ay naunahan nanaman niya ito. That sometimes happens kasi. Pero teka. Bakit parang masyadong maliwamag ang sinag ng araw. Parang hindi pang 6:30 ng umaga. Napabalikwas na siya sa kama at automatic na napatingin sa gilid. Hayun at bumungad sa kanya ang nakangiti niyang nobyo. Nakaupo ito sa may working desk sa kanyang kwarto. Boxers lang at ang reading glasses nito ang tanging suot. "Good morning Aka." Bati nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD