"I guess we're all set! Kailan ang opening natin?" Nakaupo sa isang cafe si Elmo at si George. Alanganin ang oras kaya naman wala masyadong laman ang naturang shop. May pumasok lang na dalawang kabataan. Isang lalaki at babae na umupo sa table diagonal sa kanila. "Next week na po papa. Soft opening muna." Masayang sagot naman ni Elmo. "Well that's good. Nakahanap ka na din ba ng staff?" Ngumiti muli si Elmo sa tanong ng ama ng kanyang minamahal. "Opo. As of now, apprentice chef pa lang muna ang kasama ko saka po iilang waiter at waitress." Sa panahon kasi ngayon madali talaga maghanap ng mga naghahanap kahit ng panandaliang trabaho lang muna. Siyempre kailangan ng tao ng pera. "Si Julie nga po pala?" Tanong ni Elmo kay George. Nasa may Northville kasi sila ngayon dahil weekend. Geor

