Chapter 36

2685 Words

Dali-dali ang paa ni Elmo palabas ng restaurant. Nakita pa niyang papasok si Julie sa kotse nito. "Aka!" Tawag niya muli. Hindi siya liningon ng babae pero binilisan nito ang pag-galaw at huli na siya dahil nakapasok na ito sa kotse at mabilis itong pinatakbo palayo. "Aka!" Tawag pa niya muli. Hindi na siya nagsayang pa ng panahon at mabilis na sumakay sa sariling kotse. Wari niya ay dederetso ito sa kanilang bahay. Wala na masyadong kalaban na sasakayan sa daan at pakiramdam ni Elmo ay nakikipagkarera siya sa oras. Kailangan niya mahabol si Julie. Pinagdarasal lang niya na wag masyado mabilis ang pagpapatakbo nito dahil hindi niya kakayanin kung may mangayaring masama dito. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait nang makita na wala ang kotse nito sa garahe ng kanilang tahanan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD