AN: Please forgive ze typos Kasalukuyang kumakain sa isang maliit na resto-diner si Julie at si Maqui. Lunch time kasi at napagdesisyunan nilang dalawa na magbest friend date. "Himala at hindi ka ngayon linutuan ni Elmo ah?" Sabi ni Maqui habang sumusubo sa kinakaing chicken ala king. "Nagmamadali nga kaninag umaga eh. May inaasikaso daw." Kibit balikat na sabi ni Julie at kumain mula sa spaghetti niya. Suminghap si Maqui at napatingin pa sa kanya. Binalik naman niya ang tingin nito na nakakunot ang noo. "Problema mo?" "Aba baka may ibang babae na yon!" "Hayop ka Maq kung kailan Valentine's day bukas!" Humagalapak ng tawa si Maqui habang nakasimangot pa rin sa kanya si Julie. "Binibiro lang kita bes!" "It's not funny Maq!" Himutok pa ni Julie na nakabusangot pa rin. "May inaasikas

