Inayos ni Elmo ang gym bag na nasa loob ng kotse. Mas marami siyang libreng oras ngayon na wala na siyang trabaho. Kakausapin pa niya si George para sa mga plano sa restaurant pero may napili na silang pwesto sa isang commercial area na malapit lang din sa bahay nila sa may Aeneous. Kaya ayun at balak niyang mag-gym sa araw na iyon. "Aka?" Tawag niya mula sa may kotse. Unang tawag pa lang niya ito. Binibilang niya kasi ang tawag niya kay Julie. Kapag lumagpas iyon ng tatlo tiyak na singhal ang abot niya dito. Ayaw kasi ng girlfriend niya nang minamadali. Walang sumagot. Sumandal siya sa kotse at tiningnan ang orasan niya. Buti pa kasi siya wala naman oras na dapat nasa gym pero si Julie ay may oras sa trabaho. "Aka!" Tawag niya muli. Wala pa rin siyang naririnig na sagot. Sabagay nasa l

