CHERYL NAGING MASAYA naman ang byahe namin ni Tito Lem, medyo mabilis nga rin ang byahe namin. Pero agad na nahalata ko lang sa lalaki na gusto niyang pag-usapan ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang taon ko na nasa LA. Gumawa naman ako agad ng ibang mga isyu at paraan para maiwasan ko na maging topic namin ang mga naging nakaraan ko. Para sa akin hindi siya ang taong dapat kong bahagian ng mga ‘yun. Dapat ay sa taong nangako sa akin. “Do you wanna eat first bago tayo tumuloy sa pakay mo na lugar? Malapit na rin naman tayo doon, so baka pwedeng kumain na muna tayo?” Tanong ng lalaki ng matanaw na namin halos ang sentro ng lalawigan, kung saan naroon ang mga mall at mga kainan. Naisip ko naman na pagbigyan na ang lalaki tutal ay malaking abala naman ang nagawa ko para sa kanya. “Sig

