Late na akong na gising ngayon, hindi ko rin alam bakit sobrang haba ng tulog ko dahil pagka gising ko ay mag aalas singko na ng hapon, wala man lang gumising sa akin kaya gutom na gutom akong bumangon sa kama at dali dali akong nag punta sa may kusina. Nag ta takha naman ako nang wala ni isa kina Gray ang nasa bahay. “Where’s Gray and the twins?” tanong ko sa maid na nadaanan ko. “Maaga po silang umalis ma’am,” sagot niya sa akin. Kumunot naman akong tumingin sakanya. “Umalis? Saan sila nag punta?” tanong ko naman sakanya. “Hindi po nila sinabi ma’am basta ang sabi po ay mag bihis po kayo kasi dadalaw daw po ang mga kaibigan mo po rito sa bahay,” naka ngiting sambit niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at kumuha nalang ng sandwich para hindi ma bigla ang tiyan ko sa pagkain l

