“Gala tayo?” naka ngiting aya ko kay Gray. Tumingin naman ito sa akin at tumanho. “Sure, tara?” tanong niya sa akin. Dahil nakapag ayos naman na kami, nag bihis nalang kami at lumabas na kami ng bahay para mag libot libot. “Let’s visit your parents later,” sambit ni Gray sa akin. Tumango naman ako sakanya. Una naming pinuntahan ay yung park kung saan kami naunang nag kita noon. “This is the exact spot where you found me and talked to me that day,” sambit ko kay Gray habang naka upo sa may swing. Wala silang binago sa playground, marami lang na dagdag and mas polished na ang mga pintura unlike before. “Yeah, I remember it,” naka ngiting sagot niya sa akin. “And until now, I still wonder why you approached me that day,” sambit ko sakanya at tini tigan ko siya. Tinitigan naman niya

