Nasa palawan na kami ngayon, hindi na namin na hintay ang flight ng dalawa dahil hindi sila naka habol sa flight namin. Napa ngiti ako nang ma kita ko ang beach house na binili ni Oceana. “This is a beautiful house, Oceana,” naka ngiting sambit ko sakanya. Ngumiti naman si Oceana sa akin. “You think so?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sakanya at tuluyan na kaming pumasok sa loob. “Anong oras daw sila darating dito sa palawan?” tanong ko kay Oceana dahil siya ang ka usap ng dalawa sa gc naming mag ka-kaibigan. “Actually naka lapag na ang eroplano nila, pa punta na sila rito so by lunch I think nandito na sila,” sagot ni Oceana sa akin. Tumango ako sakanya at tumayo. “Magpa palit lang ako, gala tayo sa labas habang hini hintay natin sila,” suhestyon ko kay Oceana. Tumango

