"Marriage isn't easy there will be tough times, but if there is love and forgiveness, there are few things that a couple can't overcome." --- Bruce Springsteens Pagmumuni sa nakaraan Kurt's Pov Ang buong akala ko noon hinding-hindi na ako mapapatawad ng asawa ko. Dahil sa maling akala at hindi paghingi ng paliwanag. Ang buong akala ko may pumalit na sa akin sa puso niya. Naalala ko pa ng mga panahong hindi ako mapakali nang mawala sa paningin ko si Aubrey. Hindi pa kami lubusang nagkaka-ayos ng mga panahong iyon. Hindi pumayag ang judge na mapawalang bisa agad-agad ang kasal namin. Nagdesisyon pa ang judge noon na pagsamahin kami sa loob ng anim na buwan. Upang ayusin ang problema. Isang beses, lumabas kaming pamilya para mamasyal, gabi na ng matapos kaming magsawa sa paglibot ng mall

