Aubrey's Pov Masaya kong iminulat ang mata ko. Masarap pakinggan ang huni ng mga ibon sa umaga. Lalo na ngayon pagmulat ng mata ko ay katabi ko ang taong mahal ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang maamong mukha ng aking asawa. I trace his face using my point finger. Ano bang sekreto ng taong ito, bakit hindi ata siya tumatanda? Namiss ko ang ganitong eksena. 'Yung gigising ako sa umaga na yakap-yakap niya habang nakapatong ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya. Payapa ko siyang tinitigan habang natutulog. Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari sa magdamag. Hindi kami tumigil hanggat hindi namin pinagsawaan ang isa't isa. No, mali hanggat hindi kami nakaramdam ng pagod. Napangiti ako sa aking naisip at bahagyang napakagat sa labi. "Stop biting your lips, or else

